Hindi muna matutuloy ang guesting ni KC Concepcion sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7, pero nangako siyang isasama niya ang kanyang Filipino-Swiss boyfriend na si Mike Wuethrich kapag handa na itong lumabas sa telebisyon para magpainterbyu kay Boy Abunda.
Ngayong Miyerkules ng hapon, September 6, 2023, isang mensahe ang ipinadala ni KC kay Boy na binasa ng TV host sa live telecast ng Fast Talk With Boy Abunda.
May kinalaman pa rin ang mensahe o pahayag ni KC sa desisyon nitong i-unfollow ang social media accounts ng kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan at ang half-sister niyang si Frankie Pangilinan.
Hindi pa rin direktang tinukoy ni KC kung ano ang tunay na dahilan ng pag-unfollow niya kina Kiko at Frankie, pero malinaw ang mensaheng pinili niyang unahin sa pagkakataong ito ang sariling kaligayahan.
Bagamat in-unfollow niya sa social media ang stepfather at half-sister, hindi raw maaaring mawala ang pagmamahal ni KC sa mga ito.
Read: Talent manager close to Sharon Cuneta and family speaks up on the Megastar and KC Concepcion rift
Ito ang bahagi ng pahayag ni KC tungkol sa kontrobersiyal na usapin na kinasasangkutan ng kanyang pamilya:
“I have learned my place in people’s lives and out of respect, I will not overplay my part.
“I am forever grategful to have experienced the love of a father through the experience of having a stepfather since I was 12 years old.
“I am sure, hindi rin po perfect ang journey niya, but I know he’s trying his best.
"I would like to believe na naging mabuting anak din po ako. Ako po ay hindi perpekto pero nagmamahal po ako nang totoo.
“However, this is the season of my life kung saan [ang] kaligayahan ko naman po ang pinahahalagahan ko.
“Hindi na ako bata. I realize po na life is so short. Sayang po kung aaksayahin natin ang time with negativity.
"I just want the family to be happy and also myself to be happy.
“Yes, I unfollowed on a social media platform but I will not unfollow the lessons I have learned growing up into a woman I am today.
“I unfollowed but I will never unlove. Family is family.
"Don’t worry, naniniwala naman po ako na we have enough love to overcome this. I have faith na somehow God will bring us all to a happy place one day."