Isa-isang sinagot ni Iwa Moto ang mga komento ng netizens tungkol sa nag-viral na video ng stepson niyang si Thirdy Lacson.
Noong August 23, 2023, kumalap ng samu’t saring reaksiyon sa social media ang video na ipinost ni Iwa sa TikTok at Instagram, kung saan makikita si Thirdy na nag-o-ober-da-bakod nang mapagsarhan ito ng gate.
Si Thirdy ay anak ng aktres na si Jodi Sta.Maria sa asawa ngayon ni Iwa na si Panfilo "Pampi" Lacson Jr.
Kung marami sa mga netizen ang natuwa at naka-relate sa ginawa ni Thirdy, mayroon ding nagtaas ng kilay at kinastigo ang ginawang pagpo-post ni Iwa.
May ilang nabahala dahil baka raw ang video ay maging susi ng mga kawatan para looban at pagnakawan sila.
Read: Iwa Moto promises Thirdy Lacson a duplicate of house key following gate-jumping CCTV footage
Sa pamamagitan ng video sa TikTok nitong Miyerkules, September 6, ipinaliwanag ni Iwa na wala siyang intensiyong masama sa pagpo-post ng CCTV footage.
Ayon sa dating aktres, naiintindihan niya ang concern ng mga netizen sa kaligtasan ng kanyang pamilya, ngunit nakatitiyak siyang walang ibang taong gugustuhing pagnakawan sila.
Saad ni Iwa sa video, “Ngayon ko lang napansin na ang dami palang nag-react sa post ko na tumalon sa gate si Thirdy.
“Okay, number one, hindi yon yung first time na ginawa yon and nagkataon lang na nakuhan ko siya on CCTV camera.
“Sa lahat ng concerns diyan, gets ko naman yung concern ninyo na baka pasukin kami [ng magnanakaw]. But definitely I doubted [they] will do that, kasi guys, sa harap pa lang ng gate namin, dalawa na po ang CCTV namin.
“Tapos lahat po dito sa bahay namin ay nakasarado po. Saradong-sarado yung bahay namin.”
Hindi rin daw si Thirdy ang unang sumampa sa kanilang bakod dahil maging siya at ang kanyang asawa na si Pampi ay nagawa na rin ito.
Aniya, “Actually, guys, kahit naman po sino puwedeng sumampa doon sa gate na yon.
“Actually, noong ako po ay na-lock-an din ng gate at walang magbubukas, sumampa na rin ako doon.
“Tatay [Pampi] niya, sampang bakod din yan, siya rin ginagawa yon.
“Nanay ko rin nga sinampahan na rin yang bakod na yan. Yung nanay ko, fifty [years old] plus na.
“Kaya yung bakod, wala na akong magagawa, maliit talaga yung bakod namin. Pero yung bahay ko bago ka makapasok, e, hahabulin ka ng mga aso. At saka, guys, matibay ang lock ko.”
Siniguro rin ni Iwa na mababa man ang kanilang bakod ay kumpleto sila sa CCTV cameras at mga lock ng pintuan.
Paliwanag niya, “Mababa lang po talaga ang gate dito. Pero siyempre, nag-reinforce kami ng mga lock dito sa bahay.
“Tapos siguro naman matatakot yung tao na umakyat doon sa bahay namin kahit na mababa siya. Kasi, guys, again, yung footage na yon is nakuha 12 midnight.
“Nakita niyo naman, colored pa rin. Kasi, guys, yung inilagay kong CCTV is colored siya, kahit gabi, ganon. Kaya mahiya naman po yung sasampa ng bakod ko na ibang tao.
“And guys, may motion detector po kasi yon. Every time na may gumagalaw, automatic na nagre-record siya at nagno-notify sa cellphone ko."
Sabi pa ni Iwa, “Thank you so much for your concern, pero para masagot ko lang din yung mga concerns ninyo.”
Read: Jodi Sta. Maria teases ex-husband Pampi Lacson, Iwa Moto for being too sweet for comfort
IWA’S REACTION TO JODI’S INTERVIEW
Nagbigay rin ng pahayag si Iwa tungkol sa naging panayam ni Jodi kamakailan, kung saan hiningan siya ng reaksiyon sa ginawang pag-akyat ni Thirdy sa bakod.
Sinabi rito ni Jodi na matapos mai-post ni Iwa ang video ay agad niyang tinanong si Thirdy tungkol sa tunay na nangyari.
Ani Jodi, “Naiintindihan ko naman po yung comments ng mga netizen na parang doon sa nangyari na pag-over the bakod ni Thirdy dahil nga umuwi nang late.
“Walang susi so, kumbaga, kailangan niyang makapasok ng bahay. So, siguro po ayon lang yung nakita niyang way.
“I asked him naman po about what happened there and nasolusyunan naman po na bibigyan na siya ng susi.
“Yun naman yung importante na mabigyan siya ng susi. Kung tingin natin may problema, so solusyunan po natin na bigyan ng susi para hindi na maulit. Kasi nga, delikado kasi baka malaglag siya.”
Hindi rin daw niya minasama ang pagpo-post ni Iwa at para sa kanya ay pampa-good vibes lang ito.
Diin ni Jodi, “Aileen [Iwa] and I are friends, e, so ayokong masamain yung pagpo-post niya. I believe na nai-post niya yon kasi she found it siguro na cute and funny, ganyan.
“Naniniwala naman ako na wala siyang masamang intensiyon para doon sa post na yon.
“Siguro parang iniisip lang niya na ang daming makaka-relate na, aminin man kasi natin sa hindi, at one point nasaraduhan tayo ng gate, na-lock-an tayo ng pinto at hindi natin alam ang gagawin natin.
“Yun lang yung sa akin, hindi ko siya minamasama.”
Read: Jodi Sta. Maria, Iwa Moto delight fans with adorable photos of their "blended family"
Nakarating kay Iwa ang pahayag ni Jodi at nagbigay rin siya ng reaksiyon dito.
Dito ay nilinaw niyang matalik silang magkaibigan ni Jodi at kilala siya nitong mapagbiro.
Saad ni Iwa, “I saw rin yung interview, parang kay Jodi, na parang tinatanong siya regarding don.
“So, guys, kami ni Jodi sobrang tropa ko siya. Alam niya na makulit ako and I always do pranks dito sa amin. Alam ni Jods na makulit talaga ako.
“Kaya ko pinost yon, hindi ko gustong ipahiya yung anak ko.”
Read: Jodi Sta. Maria spotted at baptism of Iwa Moto, Pampi Lacson's son Caleb Jiro
Dagdag pa niya, “Guys, ninja din ako e, tumalon na rin ako. Mas mataas pa nga yung bakod na tinalon ko.
“Wala lang, I find it really, really funny at saka [it] brings back memories.”
