Nagtapos na sa senior high school si Thirdy Lacson, ang anak ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa dati niyang asawa na si Pampi Lacson.
Sa Instagram nitong Linggo, May 14, 2023, halos magkasunod na ibinahagi nina Jodi at Iwa Moto ang larawang kuha sa pagtatapos ni Thirdy.
Si Iwa ang kasalukuyang partner ni Pampi.
Read: Jodi Sta. Maria teases ex-husband Pampi Lacson, Iwa Moto for being too sweet for comfort
Present din sa graduation ceremony ang mga kapatid ni Thirdy sa amang si Pampi at stepmother na si Iwa.
Read: Jodi Sta. Maria spotted at baptism of Iwa Moto, Pampi Lacson's son Caleb Jiro
Ayon kay Jodi, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang sanggol lang noon na karga niya ay isa na ngayong binata.
Bilang isang ina, proud daw siya sa nakamit at makakamit pa ng anak.
Ani Jodi, "I closed my eyes for a moment and suddenly a man stood where a baby I carried in my arms used to be.
"You have given us so many reasons to be proud of the man you have become, but the proudest moment for me is telling the whole world that you are my son.
"Congratulations, anak!
"Dream big. Soar high. We will always be here cheering for you.
"May our good Lord continue to bless you, keep you, and make His face shine on you. You are loved, anak!"
Maging si Iwa ay hindi napigilang maging sentimental sa pagtatapos ng kanyang stepson.
Katulad ni Jodi, proud ding ibinahagi ni Iwa ang family photos ng kanilang blended family.
Saad niya sa caption, "May college na kami hahahha.
"Congratulations @iam.thrds. Ang bilis sobra.
"We love you so much [red hearts emoji]."
NETIZENS REACT
Maraming netizens ang natuwa at pumuri sa magandang relasyon nina Iwa at Jodi.
Read: Jodi Sta. Maria explains being on good terms with ex Pampi Lacson
Anila, maituturing na isang inspirasyon ang ganitong klaseng pamilya na sa kabila ng kanilang mga nakaraan ay mas piniling maging masaya at maayos para sa kanilang mga anak.
Read: Jodi Sta. Maria, Iwa Moto exchange banter on Pampi Lacson's birthday
Komento ng isang netizen sa Instagram post ni Iwa, "Yong ganitong klase ng pamilya nakaka inspire [red heart emoji]."
Sabi ng isa, "The co-parenting skills are so inspirational. Congratulations guys!"
Saad pa ng isa, "Congratulations! wow! nakaka proud and inspired tong dalawang to JODI and Iwa salute! sarap sa mata magkasundo silang dalawa especially yong mga bata. Sarap mabuhay kapag meron peace."
Ayon naman sa isa, "Eto ung tinatawag na "modern family" na kahit hiwalay na at may bago ng pamilya ang guy still in good terms parin cla ng ex at ang maganda pa good terms din cla ng present wife. Love the photo."
Dagdag pa ng isang netizen, "Love the maturity of this family.. this is real LoVe in every meaning of the word..the children are so lucky and the winners in this situation to have all their parents around them."
Ikinasal sina Jodi at Pampi noong March 2005 sa Nevada, USA. Nagkaroon din sila ng civil wedding sa Parañaque City noong June 2005.
March 2011 nang maiulat ang kanilang hiwalayan, at noong 2013 ay napabalita namang nasa proseso na ng annulment ang kanilang kasal.
Read: Jodi Sta. Maria mum about report that annulment with Pampi Lacson has been granted
Kinumpirma naman ni Iwa ang relasyon niya sa ex-husband ni Jodi noong 2012.
Read: Iwa Moto says Pampi Lacson’s son calls her “Mommy”
Read: Iwa Moto buries the hatchet with Jodi Sta. Maria: "Yung buhay namin, parang magkadugtong na."
May dalawang anak sina Iwa at Pampi—ang 8 anyos na si Mimi, at 1-year-old na si Caleb Jiro o CJ.
Sa kasalukuyan, karelasyon ni Jodi ang aktor na si Raymart Santiago.
Read: Raymart Santiago, kinumpirma ang pagkakamabutihan nila ni Jodi Sta. Maria
