PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda Tackles Showtime Controversies

Vice Ganda: "Nakapag-mass report na ba lahat?"
by Bernie V. Franco
Published Sep 8, 2023
Vice  Ganda
Vice Ganda's cryptic statements on It's Showtime this Friday, September 8, 2023, caught the attention of netizens. At one point, Vice quipped, "Nakapag-mass report na ba ang lahat?" which received a loud cheer from the audience.
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)

Ni-repost sa Twitter ng ilang mapagmasid na netizens ang mga makahulugang pahayag ni Vice Ganda sa live episode ng It’s Showtime ngayong Biyernes, September 8, 2023.

Sa "Rampanalo" segment, ang partner ni Vice na si Ion Perez ang nagbukas ng isang kahon.

Pinasayaw ni Vice si Ion. Kinantiyawan naman ng ibang hosts sina Ion at Vice.

“Ganyan. Ituloy natin ang pag-iibigan. Tuloy ang pag-iibigan, walang makakapigil. Ganon!” hirit ni Vice, na pinandilatan pa ang camera.

Hirit pa niya habang nakatitig sa camera, “Nakapag-mass report na ba lahat? Charot!”

Dinig ang hiwayan ng audience at pagtawa ng kanyang co-hosts.

“Nakapag-mass report na ba lahat?” pag-ulit ng nakangiting si Vice, na tumitig muli sa camera.

[twitter:

]

Wala mang binanggit na insidente o pangalan si Vice, maraming netizens ang nag-ugnay nito sa pagkawala ng online accounts ng controversial influencer na si Rendon Labador, na binatikos noon nang husto sina Vice at Ion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Social media influencer Rendon Labador gets demotivated after Facebook ba: "Hindi ako makapaniwala...

May binitawan ding pahayag si Vice sa “Tawag Ng Tanghalan” segment.

Sa interview ng female contestant na NBSB (no boyfriend since birth), sinabi nitong pinagbabawalan siyang magka-boyfriend ng kanyang mga kuya.

Inusisa ni Vice ang contestant kung sinusunod ba ng mga kuya nito ang ibinigay ng mga itong payo sa kanya.

Sagot ng contestant, hindi dahil may mga girlfriend ang mga ito.

At saka nagbigay ng pahayag ni Vice. Halata rin sa boses ni Vice na may emphasis sa kanyang pahayag.

Sabi niya, “May mga ganyan. Kung maka-impose akala mo naman di nila ginagawa, di ba?

“Yung pag iba, mali. Pero kayo, hindi niyo ginagawa?!

“Sa iba mali, pero sa inyo puwede? Double standard!”

Dinig ang paghiyaw ng mga tao mula sa audience.

[twitter:

]

Bagamat walang binanggit si Vice kung para kanino ang kanyang mga makahulugang pahayag, ang hiyawan ng audience at kinasasangkutang issues ng ABS-CBN noontime show ay nagiging basehan para mabahiran ng kulay ang mga sinabi niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kilala kasi si Vice sa pagiging vocal sa kanyang opinyon pagdating sa mga isyu.

MTRCB ORDERS 12-DAYS SUSPENSION OF 'IT'S SHOWTIME'

Isa sa recent issues na kinahaharap ng It's Showtime ay ang 12-day suspension order ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa programa.

May kinalaman ito sa pagkain ng cake icing ni Vice at ng partner nitong si Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng show noong July 25.

Ang aktong iyon nina Vice at Ion ay tinawag na “indecent” ng MTRCB sa inilabas nilang statement.

Ayon sa MTRCB, nakatanggap sila ng multiple complaints dahil sa eksenang iyon.

Marami na rin daw silang natanggap na reklamo dahil sa previous episodes ng It’s Showtime.

Ang relasyon nina Vice at Ion pinuntirya rin sa recent issues. Na-bash pa nang husto sina Vice at Ion ng isang influencer.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naging madali ang ipinataw na parusa ng MTRCB para sa It’s Showtime hosts at staff nito.

Makahulugan ang posts ng mga host sa social media. Hindi rin nagpapaawat sa Vice sa pagpapahayag ng kanyang damdamin sa kabila ng hinaharap na hamon ng kanilang show.

Sinisikap nilang maging positibo pa rin.

Naiulat naman dito sa PEP.ph na nagka-anxiety si Ion dahil isa siya sa mga nasangkot sa kontrobersiyal na cake-icing issue.

Kapansin-pansin ding recently ay ilang araw nawala si Ion sa show.

Read: Ion Perez, nagka-anxiety dahil sa icing incident sa 'It's Showtime'

Sa pagkakapataw ng 12-day suspension sa It's Showtime, maraming supporters ng show ang nagpo-post sa social media para punahin ang katapat na noontime show ng It's Showtime na ang mga ginawa umano nitong paglabag.

Sa mga tumututok sa It’s Showtime, alam nilang hindi lamang ito ang pagkakataong may mga pahaging si Vice.

Simula nang mangyari ang recent issues ng It’s Showtime, may mga makahulugang pahayag ang very vocal na si Vice sa iba-ibang episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda's cryptic statements on It's Showtime this Friday, September 8, 2023, caught the attention of netizens. At one point, Vice quipped, "Nakapag-mass report na ba ang lahat?" which received a loud cheer from the audience.
PHOTO/S: YouTube (Kapamilya Online Live)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results