Halos manlumo at hindi makapaniwala ang content creator na si Rendon Labador na tuluyan nang nabura ang kanyang Facebook page dahil pinagkaisahan itong i-mass report ng netizens.
Base sa in-upload niyang sunud-sunod na Instagram Stories, nangyari ang pagkabura ng kanyang Facebook account nitong Huwebes, September 7, 2023.
Mababasa sa post ni Rendon (published as is) "UPDATE as of today at 12noon September 7, 2023.
"Binura na ako sa facebook ng Pilipinas."

Sa isa pang post, humingi ng paumanhin ang controversial social media influencer sa kanyang mga tagasuporta, kalakip ang pasasalamat sa mga nagpaabot ng mensahe sa kanya.
Aniya, "Pasensya na sa lahat ng taga suporta natin at kasalukuyan na hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking facebok page.
"Nag papasalamat ako sa mga taong naniniwala at nag papadala ng mensahe ngayon.
"Upload ko ang #OfficialStatement sa aking YT [YouTube] account tungkol dito.
"Pasensya na at paralisado kaming lahat dahil dito sa pangyayari."

Dagdag pa niya, "Pilipinas, I will be back soon! #staymotivated."

Bukod sa kanyang Facebook main page, inanusiyo rin ni Rendon na maging ang kanyang personal at secondary Facebook account ay napagdiskitahan ding ipabura sa pamamagitan ng mass report.
Mensahe ni Rendon, "Sa lahat ng business partners ko at malalapit na taong kakilala ko, gusto kong ipaalam na hindi na din ako nakakareceive ng messages ninyo pati sa personal facebook account ko at fb messenger.
"Pati yung secondary page natin na delete na rin ni facebook."

Suspetsa ni Rendon, ang mga fan ng Kapamilya star na sina Coco Martin at Vice Ganda ang dahilan ng biglaang pagkabura ng kanyang mga Facebook account.
Read: Vice Ganda on “Wala Akong Pake” music background: “Very timely.”
"Accordg to my staff confirmed na fans ni Coco Martin Batang Quiapo at fans ni Vice It's Showtime ang nag mass report kaya tuluyang nabura ang facebook accounts ko."

Matatandaang kabilang sina Coco at Vice sa mga kinanti ni Rendon sa social media.
Ito'y matapos niyang patutsadahan na malaking abala sa mga vendor sa Quiapo ang pagsho-shooting ng ABS-CBN primetime series nina Coco na FPJ's Batang Quiapo.
Read: Coco Martin answers issues about Batang Quiapo taping in Quiapo
Sina Vice at Ion Perez ay isuplong niya naman sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) dahil sa eksenang ginawa ng dalawang It's Showtime host sa "Isip-Bata" segment noong July 25, 2023.
Read:
- MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
- Rendon Labador hinamon ang MTRCB dahil sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez
Samantala, bago mabura ang Facebook accounts ni Rendon ay nauna nang naglaho ang kanyang TikTok account dahil din sa mass report.
Read: Netizens call out content creator Rendon Labador for calling comedian Michael V "laos"
NETIZENS REJOICE
Pagkatapos mapabalitang dinelete ang Facebook account ni Rendon ay nag-trending agad ang pangalan niya sa X (dating Twitter).
Halos lahat ng netizens ay nagbubunyi sa sinapit ng Facebook account ng controversial media personality.
Sabi ng marami, "dasurv" ni Rendon ang pagkaka-ban niya sa Facebook.
Mayroon ding gumawa ng memes at nag-"RIP" o Rest In Peace sa Facebook account ni Rendon.
Ayon naman sa isa, "pinakamagandang balita na iyong maririnig" ang pagkawala sa Facebook ni Rendon.
May nagsabi ring nauna pang ma-suspend ang Facebook account ni Rendon kesa sa It's Showtime, na ini-report ni Rendon sa MTRCB.
Narito pa ang ibang komento ng netizens:






