PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr. Sleep Watch

Miss na miss na nila ang isa't-isa.
by Bong Godinez
Published Sep 11, 2023
Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr.
Lovebirds YouTube vlogger Zeinab Harake and basketball player Bobby Ray Parks Jr. are bridging geographical distance by looking after one another through video calls.
PHOTO/S: Bobby Ray Parks Jr. (Instagram)

Ipinasilip ng magkasintahang sina YouTube vlogger Zeinab Harake at dating PBA player na si Bobby Ray Parks Jr. kung paano nila itinatawid ang kanilang long-distance relationship.

Sa recent Instagram Story na ipinost ng magkasintahan ay makikita ang sweetness nila sa isa't isa maging sa video call.

Kasalukuyang nasa Japan si Bobby Ray para sa bagong season ng professional basketball tournament na B. League.

Naglalaro si Bobby Ray para sa koponan ng Nagoya Diamond Dolphins.

Bukod kay Bobby Ray ay naglalaro rin sa B. League ang iba pang Filipino basketball players katulad nina Kiefer Ravena, Kobe Paras, Thirdy Ravena, Matthew Wright, Robert Bolick, at Dwight Ramos.

Read: Are Kobe Paras and Erika Poturnak back together?

MISSING EACH OTHER

Marami naman ang kinilig sa post nina Zeinab at Bobby Ray kung saan makikita ang dalawa na magka-video chat at tila pinapanood ang isa't isa habang natutulog.

Sa picture na pinost ni Zeinab sa IG Story ay kita si Bobby Ray na nakatakip ang mga mata samantalang nakatingin ang sikat na content creator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa post ang mga salitan "i appreciate you always mahal ko" at "miss na miss kita mahal."

Bobby Ray Parks, Zeinab Harake

Samantala, sa IG Story naman ni Bobby Ray ay si Zeinab naman ang natutulog habang nakatingin ang tila ay nagkakape na si Bobby Ray.

"Ako naman po ang ang mgbabantay sa yo, Bel," caption ng basketbolista na anak ng seven-time PBA Best Import awardee na si Bobby Parks.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr.

May 8, 2023 nang isapubliko nina Zeinab at Bobby Ray ang kanilang relasyon.

"Buti na lang ako yung nanliligaw no? Ikaw yung walang patience. e," biro ni Bobby Ray kay Zeinab sa video uploaded on Instagram.

Kinilig at natawa naman si Zeinab sa sinabi ni Bobby Ray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami pang instances na idinaan ng dalawa sa social media ang kanilang paglalambingan, bagay na kinakiligan ng kanilang followers.

Read: Zeinab Harake, former PBA player Bobby Ray Parks Jr. flex each other on Instagram

Read: Bobby Ray Parks Jr. tells Zeinab Harake: "Sagutin mo na ako soon please."

Bago lumipad patungong Japan ay nagpunta pa sa Bohol ang magkasintahan kasama ang dalawang anak ni Zeinab.

Kitang-kita naman base sa videos at pictures na nag-enjoy nang husto ang apat sa kanilang out-of-town trip.

Read: Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr. take kids to Bohol on first plane ride

Ang huling nakarelasyon ni Zeinab ay ang rapper na si Skusta Clee.

Read: Bobby Ray Parks Jr. defends Zeinab Harake from cheating allegations: "NEVER NAGING KABIT yung taong mahal ko."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovebirds YouTube vlogger Zeinab Harake and basketball player Bobby Ray Parks Jr. are bridging geographical distance by looking after one another through video calls.
PHOTO/S: Bobby Ray Parks Jr. (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results