PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Francine Diaz on Seth Fedelin romance

"Huwag po nating madaliin. Hayaan po natin na ang tadhana ang gumawa nun."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 14, 2023
FranSeth
Seth Fedelin (left) on leading lady Francine Diaz (right): "Si Chin, pang-wife material ata kung puwede, e. Kaya ko nasabi yon kasi gusto ko kung paano siya pinalaki ng pamilya niya.”
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Inamin ng Kapamilya actress na si Francine Diaz, 19, na isa si Seth Fedelin, 21, sa taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Aniya, "Seth, I think as of the moment is my happiness."

Abot-tenga naman ang ngiti ni Seth nang marinig ito.

Sagot niya kay Francine, "Thank you. Napapasaya rin naman ako ni Chin [Francine], in every way."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press sina Francine at Seth, o mas kilala sa uniname na FranSeth, sa media conference ng pinagbibidahan nilang iWantTFC's series na Fractured, noong September 6, 2023.

Dito, hindi rin sila nakaligtas sa pag-uusisa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pagbabahagi ni Seth, masaya sila ni Francine sa pagkakaibigang mayroon sila ngayon.

"Happy kami ngayon, happy, sobrang happy," sabi ng binata.

Sundot na tanong sa kanya, "Nanliligaw ka na ba kay Francine?'

Umiling muna si Seth sabay sabing, "Wala pa po. Hindi pa po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bago ko po siguro siya ligawan, liligawan ko muna si Tita [Francine's mother]."

Read: Francine Diaz, Seth Fedelin clarify real score between them

Pero handa na ba si Francine kung sakaling ligawan siya ni Seth?

Sagot ng young actress, "At some point, naisipan ko na rin na magkaroon ng boyfriend.

"Pero naisip ko po parati na it's better po talaga if I focus on my career and myself.

"Kapag dumating, open naman po ako."

Read: Francine Diaz on Seth Fedelin: "We're getting to know each other"

Aminado rin si Francine na may konting pressure sa kanila ni Seth sa tuwing pinapaamin sila kung higit na ba sa magka-love team ang turingan nila sa isa't isa.

Pakiusap ni Francine, "Huwag po nating madaliin. Hayaan po natin na ang tadhana ang gumawa non.

"Kung kami po talaga, e, di kami. Kung hindi, e, di it's fine."

Pero masasabi at nakikita ba niyang boyfriend-material si Seth?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting sagot ng dalaga, "Very."

Kung si Seth naman ang tatanungin, higit pa pangnobya ang tingin niya sa kanyang ka-love team.

Deklarasyon niya, "Si Chin, pang-wife material ata kung puwede, e.

"Kaya ko nasabi yon kasi gusto ko kung paano siya pinalaki ng pamilya niya.”

FRANSETH ON FAN SERVICE

Hiningan din ng reaksiyon sina Seth at Francine tungkol sa usaping "fan service."

May ilan kasing love teams na ginagawa ito para mapanatiling interesado sa kanila ang fans.

Ito ang pagpapakita sa mga tagahanga na may nagaganap na espesyal o may pagtingin sa isa't isa ang magka-love team kahit wala naman talagang namamagitan sa kanila.

Ayon kay Francine, walang pagkukunwari sa kung anong mayroon sila ni Seth mapa-on-cam o off-cam man.

Paliwanag niya, "Kami po, ginagawa lang naman namin yung trabaho namin and kung ano po yung nakikita niyo on-cam, ayon din naman po kami off-cam.

"Kapag fan service kasi parang fake e."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sang-ayon naman ni Seth, "We're not faking it."

Sa huli, nagpapasalamat ang dalawa sa pagbibigay ng tiwala ng kanilang fans sa tambalan nilang FranSeth.

Malaking bagay raw ang palagian nilang pagsasama para mas makilala pa nila ang isa't isa.

Kung mamarapatin, nais daw nilang magtagal ang kanilang tambalan para makapagbigay pa sila ng saya sa mga tagahanga.

Saad ni Seth, "Ako po, personally, gusto ko pong makatrabaho si Francine nang matagal pa.

"Araw-araw namang nag-i-improve yung samahan namin. Nakikilala ako ni Chin [Francine], nakikilala niya ugali ko, so araw-araw, may progress kami.

"Pero to be honest po, wala pa kami doon sa iniisip ng marami [na magkarelasyon].

"Trabaho muna. Yun ang focus namin sa ngayon."

Dagdag ni Francine, "Ako po, hopefully maging matagal yung love team at pagsasamahan namin.

"Pero personally, I'm moving po na mag-grow kami nang solo rin kahit na love team kami."

Read: Kyle Echarri supports Francine Diaz teamup with Seth Fedelin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin (left) on leading lady Francine Diaz (right): "Si Chin, pang-wife material ata kung puwede, e. Kaya ko nasabi yon kasi gusto ko kung paano siya pinalaki ng pamilya niya.”
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results