Kahit matagal silang nagkasama sa teleseryeng Maria Clara At Ibarra ay may nadiskubre pa rin si Barbie Forteza kay David Licauco sa muling pagsasama nila sa bagong drama series na kasalukuyang umeere sa GMA-7.
Pagbibisto ni Barbie, "Ever since pala kasi na magkatrabaho kami, never siyang nag-tsinelas!
“So dito sa Maging Sino Ka Man, since lagi siyang naka-tsinelas, nun ko lang nakita yung mga paa niya.
"Ang cute pala ng daliri niya sa paa.” at tumawa si Barbie.
Dagdag niya, “Malinis saka neat, yun."
Read: David Licauco, pinipilit di magpaapekto sa pagkukumpara sa kanya kay Robin Padilla
THE CHALLENGES OF PORTRAYING DUAL ROLES
Gumaganap sa dual role bilang Monique at Dino si Barbie sa Maging Sino Ka Man.
Tatlo ang binanggit niyang "challenging" sa kanyang pagganap.
Una, dahil sa dalawa niyang characters, "the characterizations, the nuances, magkaibang-magkaiba."
Pangalawa, "yung palit ng look sa taping."
Dugtong ni Barbie, "I need to commend our assistant director dahil kinu-consider niya yung effort ko pag nagpapalit ako ng look from Monique to Dino or Dino to Monique."
Pangatlo, hindi ito purely acting, may "physical demands...not just the character but the show itself."
Ayon pa sa dalaga, "The genre, yung requirement na kailangan lagi kang ready sa action, ganun.
“E, ako naman, hindi naman ako sanay sa action talaga, lampa talaga ako sa totoong buhay.
"So isa po yun sa malalaking challenge sa akin sa proyektong ito, dahil parang ngayon na lang din po ulit ako nakatrabaho ng isang very macho na director.”
Si Enzo Williams na direktor ng Maging Sino Ka Man ang tinutukoy ni Barbie.
“Kasi parang maraming beses na kung hindi po babae ang direktor ko, babae at heart, so parang ngayon na lang po ulit ako nakatrabaho ng very macho, very masculine na director.
“So parang even the working environment, lahat lalake, so parang ako, I really need to toughen up, ganun."
Nakausap ng ng media si Barbie sa face-to-face mediacon ng Maging Sino Ka Man sa Luxent Hotel noong Huwebes, August 31, 2023.
Read: Barbie Forteza, David Licauco explain viral hugging while sleeping photo
THE SCENE THAT MADE BARBIE FORTEZA SCREAM
Sa mediacon ay ipinakita ang trailer nito, at isa sa mga eksena sa serye ay nakahubad si David bilang si Carding.
Napatili si Barbie nang mapanood ang naturang eksena. Bakit ganoon ang kanyang reaksiyon sa topless scene ni David?
"Nagulat ako! Kasi akala ko wholesome na siya ngayon, nagulat ako, may nakita akong nipples,” at tumawa si Barbie.
“Okay naman siya, inalagaan naman yung shot, nagulat lang talaga ako.
"I guess isa yun sa magpapatunay na we will be seeing more of a fearless David in this project. Talagang binigay na niya lahat, so marami tayong aabangan sa kanya."
Never daw nakita ni Barbie sa taping nila na nakahubad si David "unfortunately,” at muling tumawa ang Sparkle actress saka niya inulit, “sa kasamaang-palad po."
Kuwento pa ni Barbie, "Actually wala nga ako sa eksenang yun, e, so hindi ko alam na may ganung eksena."
Hindi raw si David ang tipo na kahit kaharap ang leading lady niya ay naghuhubad?
"Ay, hindi, very ano po siya, prim and proper po talaga."
NEXT NORA AUNOR OR VILMA SANTOS?
Sa mediacon ay sinabi ni ER Ejercito, co-star sa serye, na si Barbie ang next Nora Aunor o Vilma Santos at ang love team raw nila ni David ay maihahalintulad sa tambalan noon nina Nora at Tirso Cruz III na Guy and Pip.
Read:
Nora Aunor, ipinakiusap sa mga anak na mahalin si John Rendez
Vilma Santos, "feeling heaven" sa pagkaabsuwelto ng anak na si Luis Manzano
Reaksiyon ni Barbie sa sinabi ng dating gobernador ng Laguna, "Grabe naman po yun, Gov. Paano ko ba sasagutin ito?
"Naku po, dalawa po yun sa pinaka-iniidolo ko po sa industriya natin, so siguro po nagpapasalamat na lang po ako.
"Sa isang very iconic actor like gov na mapansin po yung trabaho ko is such a fulfilling moment for me.
"Enough na po yun, masyadong na pong mataas ang Ms. Nora at Ms. Vilma.
“I'm just happy na some of our respected actors today ay napapansin ang trabaho natin, yun na lang po, maraming salamat po."
Gumaganap sa serye si ER bilang Boss Frank.
Sa mga actions scenes nila sa Maging Sino Ka Man, sila ba ni David lahat ang gumagawa o may stunt double sila?
“Secret po,” at tumawa si Barbie. “Basta gusto ko lang po i-commend ang dedication and effort ni David to pull off his character.
“Kung hindi po ako nagkakamali, he insisted on attending personal acting workshops, stunt workshop, training, yes, which he insisted personally.
“So knowing a guy like him na sobrang busy, [but] will really make time para mas ma-improve yung craft niya, and mas ma-pull off nang maayos yung character niya sa project na ito...so proud of him for doing that."
Dagdag pa ni Barbie, "I'm just really excited dahil ang ganda po ng kinalabasan ng lahat ng ginawa namin, yung pinaghirapan namin, sobrang ganda ng outcome.
"So sobrang overwhelmed po siguro and sobrang excited na finally maipalabas na po ang TV version ng Maging Sino Ka Man."
Ang original movie version na ipinalabas noong 1991 ay pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Samantala, kasama nina David at Barbie sa teleserye sina Juancho Triviño as Gilbert; Faith Da Silva as Cleo; Mikoy Morales as Gordon a.k.a. Libag; Rain Matienzo as Tetay; Jeric Raval as Alex; Jean Saburit as Shonda; Juan Rodrigo as Miguel; Antonio Aquitania as Jonas, at Jean Garcia as Belinda Salazar.
May special participation sa serye sina Al Tantay as Osmundo at Tonton Gutierrez as George.
Umeere ito 8:00 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV. Napapanood rin ito ng mga Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.
