PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Licauco Not Affect by Comparison to Robin Padilla

Barbie Forteza, ngayon lang daw ulit naidirek ng "very macho" na direktor.
by Jojo Gabinete
Published Sep 11, 2023
Barbie Forteza and David Licauco
David Licauco on 'Maging Sino Ka Man' leading lady Barbie Forteza: “Si Barbie, working along side with her, parang makes it easier. It becomes easier. Kasi familiarity, sanay ako sa kanya, and she helps me with a lot of my scenes."

Mapapanood sa GMA-7 simula ngayong Lunes ng gabi, September 11, 2023, ang special limited series na Maging Sino Ka Man, na pinangungunahan nina Barbie Forteza at David Licauco.

Ang Maging Sino Ka Man ang resulta ng matagumpay na pagtatambal nina Barbie at David sa Maria Clara at Ibarra kaya marami ang nakaabang kung paano tatanggapin ng publiko ang bagong prime time series nila sa kanilang home studio.

Read: David Licauco addresses fans who want him and Barbie Forteza to become a couple

Sa special limited series ng Maging Sino Ka Man, ginagampanan ni David ang karakter ni Robin Padilla sa 1991 movie ng Viva Films na pinilahan noon sa box-office.

Tanggap ni David ang malaking hamon sa pagganap niya sa papel ni Carding dahil mismong sa kanya nanggaling ang salitang “Big shoes to fill,” pero pinipilit niyang huwag magpaapekto.

Pahayag ni David, “What I do is I just try to live the moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kapag nape-pressure ka, baka mapunta ka na lang sa place na ma-anxious ka.

"So, for me, I just stay in the moment."

Aminado si David na malaking bagay na si Barbie ang kanyang kapareha sa Maging Sino Ka Man.

“Si Barbie, working along side with her, parang makes it easier. It becomes easier.

"Kasi familiarity, sanay ako sa kanya, and she helps me with a lot of my scenes."

Pinuri naman si David ng kanyang co-star na si Jean Garcia dahil sa determinasyong ipinakita nitong magampanan nang maayos ang role ni Carding.

Pahayag ng aktres, “Si David, nagte-training siya. Si David, masipag. Very hardworking.

"Kung meron man siyang pagkukulang sa acting, nagte-training.

"Yung acting scenes niya, nag-train siya, so medyo pagod si David talaga.

"Pero willing siyang matuto. Yun ang nakakatuwa."

Maraming dapat mapatunayan si David, katulad ng hindi tsamba o nagkataon lang ang love team nila ni Barbie na nagsimula sa kanilang mga nagpapakilig na eksena sa Maria Clara at Ibarra.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lamang si David ang may mga action scene sa Maging Sino Ka Man dahil physically demanding din ito para kay Barbie.

Sabi ng Kapuso actress, “Kailangan lagi kang ready sa action. E, ako naman, hindi sanay sa action talaga. Lampa talaga ako sa totoong buhay.

"So, medyo isa po yon sa isa sa malalaking challenge sa akin sa proyektong ito."

Nakangiti pa niyang sabi, “Parang ngayon na lang din po ako uli nakatrabaho ng isang very macho na direktor.

“Parang maraming beses na kung hindi po babae ang direktor ko, babae at heart.

"So, parang ngayon lang po ako uli nakatrabaho ng very macho, very masculine na direktor."

Ang direkor ng Maging Sino Ka Man ay si Enzo Williams.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
David Licauco on 'Maging Sino Ka Man' leading lady Barbie Forteza: “Si Barbie, working along side with her, parang makes it easier. It becomes easier. Kasi familiarity, sanay ako sa kanya, and she helps me with a lot of my scenes."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results