Very proud at supportive si Michael Navarro, ama ng drag performer na si Andrei Trazona, sa kanyang "dalagang anak."
Si Michael ang dating partner ng SexBomb Girls member na si Izzy Trazona, at anak nila si Andrei.
Si Michael din ang founder ng dance group na Philippine Island Assasins.
Sa Facebook noong August 20, 2023, ibinahagi ni Michael ang larawan ng anak habang kuntodo make-up at nagse-selfie.
Caption niya (published as is), “Dalaga na ang anak ko pwede ng ilaban sa Miss Gay International hahahahaha.. sinung pupusta?”

Nagkomento naman dito si Andrei.
Sabi niya, “alabyu papa!”
Pabirong sagot ng ama, “ako na mag manager sayo”

Ibinahagi ito ni Andrei sa kanyang Facebook account.
Pagmamalaki niya, “papa ko super supportive [smiling face with hearts emojis]

Ang post na ito ni Michael ay malaking kabaligtaran sa naging post ng ina ni Andrei na si Izzy ukol sa landas na nais tahakin ng anak.
Nitong mga nakaraang araw, inihayag ni Andrei na mas gusto niya sa drag world kung saan kilala siya bilang si Sofia.
Read: SexBomb Izzy Aragon's son Andrei Trazona joins drag as Sofia
Pero tutol dito si Izzy, na isang Christian, dahil labag daw ito sa kanilang pinaniniwalaan at sa kung ano ang nasusulat sa Bibliya.
Bahagi ng open letter ni Izzy sa anak, “Yes, I agree, same with me, hindi mo parin naman nararanasan maging magulang. All I want is for your best.
"Im holding on with the TRUTH that is written in the bible, the word of God. The One who created us.
“Nandon kasi ako sa ending ng lahat ng ito, Heaven & earth will pass but my words will not pass away (Matt 24:35)
“So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that will I disagree.
“I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all.”
Sa huling bahagi ng kanyang post, iginiit ni Izzy: “Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you.
“Putting my hope on what Jesus did on the cross for me, paid the consequence of my sin. Instead of me paying it.
"Sin will bring me to eternal death, hell. But He saved me. By believing and surrendering my life to that truth.
“Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo.
“Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”
Sinabi naman ni Andrei na nagsinungaling siya sa isang interview kung saan sinabi niyang suportado daw siya ng ina sa lahat ng kanyang ginagawa.
Matapos mag-viral ang post ni Izzy, tila may parinig naman sa kanya ang anak.
Hirit pa niya, “it’s like saying i love you because you’re my son but i don’t accept you for who you are”
