Isang malaking karangalan para sa singer na si Jed Madela na ipangalan sa kanya ang isang section sa Grade One sa Albert Einstein School sa Cotabato City.
Ang nasabing eskuwelahan ay isang pribadong institusyon para sa elementarya at high school.

Sa kanyang Facebook at Instagram kahapon, September 19, 2023, ibinahagi ni Jed ang ilang larawang kuha sa labas ng silid-aralan ng paaralan kung saan makikita ang malaking pangalan ng singer.

Para kay Jed, isa itong magandang pagpapahalaga sa isang tulad niyang minsan ay nakaramdam na wala na siyang importansiya at halaga.
Saad niya, “In times when I feel so unimportant and ignored in one corner, my Lord picks me up and gives me the tightest hug.
"I am so honored. Woke up to these photos sent my my friend Manduyog Rashid.
"This is from Albert Einstein School in Cotabato where they named Grade One under me! I’m so happy!!! Sending my my love and thanks to Sir Edison, the faculty and the students! Hope to visit you in the future!!!"
View this post on Instagram
Sa comnents section ay marami ang pumuri kay Jed sa Instagram. May nagsabi ring importante siya at hindi katulad ng nararamdaman niya.



Ayon sa pamunuan ng school, lahat ng sections mula nursery hanggang Grade 12 ay ipinangalanan nila sa "Filipino artists with positive contributions to the country and gained international recognition."
Narito pa ang ibang klase na may ganitong section names:
Grade 12 - Maria Ressa
Grade 11 - Hidilyn Diaz
Grade 10 - Lea Salonga
Grade 9 - Carlos Romulo
Grade 8 - Benigno Aquino Jr.
Grade 7 - Manny Pacquiao
Grade 6 - Cecile Licad
Grade 5 - Lisa Macuja
Grade 4 - Jaclyn Jose
Grade 3 - Brillante Mendoza
Grade 2 - Michael Cinco
Grade 1 - Jed Madela
Kinder A / Nursery A - Olivia Rodrigo
Kinder B / Nursery B - Carlos Yulo
Nitong nakaraang February 2023, ikinalungkot ni Jed ang komento ng isang rude netizen sa YouTube na ininsulto ang kanyang kakayahan bilang singer.
Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Jed ang screenshot ng komento ng isang netizen na sinabing kahit tumigil na siya sa pag-awit ay hindi maramdaman ang kanyang pagkawala.
Buong komento ng basher: “Kahit mag stop ka, di mararamdaman absence mo! Ang daming mga bagong singers na magagaling at fresh na, down to earth pa.”
Sabi ni Jed sa caption, ikinalungkot niya ang komentong ito ng nasabing “mean person.”
Pilit daw niyang iniintindi kung anong klaseng kasiyahan ang makukuha ng netizen sa komento nito.
Buong post ni Jed: “Such a mean person…
“Just woke up and saw this post. Instead of getting upset, I felt sad. [sad emoji] I’m trying to understand what happiness or satisfaction this post gives to this person but I can’t seem to piece it together.
“Oh well…”
Read: Jed Madela saddened by “Kahit mag stop ka, di mararamdaman absence mo!” comment of basher
