Pagkatapos umakting bilang Lily Zhang sa TV drama series na Unbreak My Heart, bumalik si Laurice Guillen sa pagdidirek ng teledrama sa GMA-7.
Alin ba ang mas gusto niya ngayon, mag-artista o magdirek?
“Gusto ko, pareho,” nakangiting sabi ng premyadong direktor sa Gala Night ng 3rd Philippine Film Industry Month noong Setyembre 16, 2023, Sabado sa Teatrino, Promenade Greenhills, San Juan City.
“Parang maganda rin yung after sunud-sunod na nagdidirek ako, may ganun na nag-a-act ako.”
Read: Laurice Guillen says hard work matters with or without a National Artist award
Nakakawindang ang papel ni Direk Laurice sa HBO series na Call My Manager!, directed by Erik Matti — isang celebrity na may sex scandal.
Nakatapos din siya ng pelikulang Pamilya sa Dilim with Jay Altarejos, at Moro with Brillante Mendoza.
Ipapalabas sa Busan filmfest ang Moro, which also stars Piolo Pascual, Baron Geisler, and Christopher de Leon.
“Kaya nag-e-enjoy ako. At nag-enjoy ako diyan sa Lily Zhang na yan,” pakli ni Direk Laurice.
Hindi na ba niya babaguhin ang kanyang Lily Zhang hairstyle?
“Alam mo, ang dali-dali kasing ayusin. Suklayin mo lang, tapos ano, yun na. Di ba?” saad ni Direk Laurice.
“Bago ako mag-Lily, ito na ang hairstyle ko. remember the time two years ago na na-stranded ako sa Venice? Nung nag-o-Omicron-Omicron bigla.
“One month and a half na stranded ako. Dun ako nag-Christmas. So, nagpagupit ako ng buhok. So, minaintain ko na, pinagaya ko yung gupit ko sa ano.”
ON WORKING WITH NEWBIES
Apoy Sa Langit (2022) ang huling TV drama series ni Direk Laurice Guillen. Lumutang doon ang kahusayan ni Lianne Valentin.
Read: Lianne Valentin hindi makapaniwalang pinuri ni Apoy Sa Langit director Laurice Guillen
“Meron naman akong inaano ngayon, mga bago,” sambit ni Direk Laurice.
Exciting ba? Hindi ba siya nahihirapan na makipag-work sa mga baguhan?
“Ano naman, it’s partly also because I want to give them a chance. Because aral sila nang aral, ang sipag nilang mag-aral sa workshop,” lahad ni Direk Laurice.
“Kailangan nilang maisalang para matuto sila, you know, in the context of taping, how to act before the camera.
“Kung paano sila mag-timing. Kasi siyempre, hindi yung feelings mo lang. You know, things like that.
“Kailangang mabigyan ng chance para meron naman tayong mga ano in the future, hindi lang puro yung mga bidang bini-buildup ang kilala natin.
“Kasi, katulad niyan, kailangan ko ng isang grupo ng mga rebelde. Saan ka naman kukuha? Hindi naman puro mga stuntman, di ba? So, nag-ano ako ng mga bago.”
Maraming mga artistang kinukuha para sa isang TV series. Paano kung ang isang artista na nai-cast ay mabait at walang attitude pero banong umarte?
“Kaya nga ngayon, bago ako gumawa, nag-a-audition ako muna talaga,” pagtatapat ni Direk Laurice.
“Pag sinabing, ‘Ito ang kunin mo,’ pag hindi ko pa nakakatrabaho, e, di siyempre, sasabihin ko, ‘Ay! Hindi ko kilala. I don’t know what I can do kung ano siya.’
“So, ‘Let’s audition!’ Ganun ako, kaya madami akong ino-audition. Like for example, dun sa Sparkle, gusto kong magkaroon ng pagkakataon yung mga bata.
“Kasi, para naman may reward. ‘Aral ako nang aral, bibigyan ako ng pagkakataon.’ Di ba? Parang incentive.”
Kinikilatis muna niya ang artista bago idirek?!
“Oo,” mabilis na pagtango ni Direk Laurice.
Paano kung may lumusot at hindi niya muna nakilatis?
“Hindi, malalaman ko yan. Kasi, malalaman mo kung… kasi sa audition, malalaman mo kung under pressure in a way, malalaman mo kung sino ang may ano,” pagmamatuwid ni Direk Laurice.
“Unang-una, yung mga ayaw mag-audition. E, di huwag. May mga nag-a-audition naman na para bang feeling ko, parang… ‘Hindi na ako kailangang mag-audition dito,’ pero gusto nila.
“Parang gusto nila yung that experience. May ganun. Kasi naman, OK lang yun dapat. Kasi, di ba, sa Amerika? ‘Gusto ko yung role na yan,’ gumawa ka ng paraan na maka-audition. Ganun!
“May ganun, dito sa akin ngayon. Which is ano… kasi, lalo na pag teleserye. Antagal ninyong magsasama.”
ON REPORTING TO THE SET
Nakaengkuwentro na ba siya ng mga baguhang artista na hindi siya kilala, hindi alam ang kanyang kalibre, hindi aware kung sino siya?
“Ahh wala pa akong inaano na ganyan. Meron akong… in the past, meron na akong nakuwan,” pag-amin ni Direk Laurice.
“Tapos ano, nagkakaroon naman ako ng pagkakataon… na sinasabihan, ‘Bakit pagdating mo sa set, e, bababa ka sa van, naka-pajama, may unan? Ano, bumaba ka para matulog, o bumaba ka para magtrabaho?’”
So, kailangan ding ituro sa mga baguhan na huwag mag-report sa set na nakapantulog with bitbit na pillow?
“Oo, para alam nila how to be professional. You’re paid to work. You are not paid to sleep!” bulalas ni Direk Laurice.
“Paki ko kung napuyat ka dun sa pinanggalingan mo. Basta pagdating mo sa akin… kung hindi mo kaya, huwag ka nang mag-segue.”
GUBAT LOCATION
Ibinunyag ni Direk Jose Javier Reyes na ang bagong TV drama series ni Direk Laurice na Asawa ng Asawa Ko ay sa gubat ang location.
Salaysay ni Direk Laurice, “Eto na nga, napasabak ako sa ano. Kasi, part of the story… kasi, ang susundan mo, yung bidang babae, si Jasmine Curtis-Smith ito.
“Napunta siya sa gubat for some reason. Napunta siya sa gubat. So yung buong buhay niya for four years doon, doon sa kuta ng mga rebelde.
“E, siyempre, di ba? E, tag-ulan. Tapos, nasa bundok ka. Ang una naming location, isang forest reservation in Bataan, na nakaano sa mga Ita.
“Ang maganda doon kasi, talagang old forest na malalaki ang puno, at may ilog. Dumadaloy ang tubig, up and down, ganun. So, ang ganda!
“But it was so difficult to go there. Kasi siyempre, malayo nga, tapos tag-ulan. And then we continued, the rest of the scenes, dito na sa Tanay.
“Inabutan kasi kami nung five hours to go to North. Yung baha sa NLEX… ay naku! Inabutan namin yun! Kaya lumipat kami ng location sa Tanay. Hindi pa kami tapos dun.”
Next year pa ipalalabas sa Kapuso afternoon prime ang seryeng ito na meron ding maaaksyong eksena. Sadyang kakaiba ang kuwento nito?
“Oo, kakaibang drama na alam mo na, yung mga triangle natin, yun pa rin naman pero may ano ito,” pahayag ni Direk Laurice.
“Parang may ganung element na nangyari kaya yung pagbabalik ng bidang babae after her experience sa four years na nagkahiwalay sila, merong nangyari sa buhay nila.”
Kabitserye ba ang Asawa ng Asawa Ko?
“Hindi. Hindi.”
