Ikinatutuwa ni Ken Chan na nanunumbalik ang magandang samahan nila ni Jilliard Ward noong magkatrabaho sila sa My Special Tatay (2018) ngayong lagi na silang muling nagkakasama sa taping ng Abot Kamay Na Pangarap, ang top-rating afternoon drama series ng GMA-7.
Ginagampanan ni Ken se teleserye ang papel na Doc Lyndon, samantalang si Jillian naman ay ginampanan ang papel ni Dra. Analyn Santos.
Pahayag ng 30-year-old actor, "Nag-e-enjoy ako sa company with Jillian.
"Nakatrabaho na si Jillian noon sa My Special Tatay, at nakita ko kung gaanong kabuting artista, at katrabaho ni Jillian, at bilang isang tao din.
"And looking forward ako na sana makatrabaho ko siya after ng Abot Kamay, at mabigyan kami ng pagkakataon na makatrabaho pa ang isa't isa, why not po?
"Magaling siyang aktres, at napatunayan niya yan sa Abot Kamay, and ini-enjoy ko lang po.
"Nakikita niyo naman ang posts namin sa social media na talagang ini-enjoy namin yung pagsasama naming dalawa, yung every taping, ganyan."
FROM RITKEN TO JILLKEN LOVE TEAM?
Dahil sa closeness na ito, naranasan na ba nilang ma-bash ng mga tagahanga ng love team ninina Ken at Rita Daniela, ang RitKen, na buhay pa rin ang suporta mula nang mabuo ito sa proyekto nilang My Special Tatay?
Read: Ken Chan admits he and former screen partner Rita Daniela fell for each other
Saad ni Ken, "Wala naman po akong nakikitang negative comments sa mga naging fans o supporters namin ni Rita.
"Sobrang thankful ako sa kanila, kasi kahit sino ang maging ka-partner ko, sumusuporta pa rin sila.
"Siyempre, hindi maiwasan, at nakikita ko na nami-miss na kami nila ni Rita, pero nakikita ko sa posts nila na sumusuporta pa rin sila kahit sino ang i-partner sa akin.
"Ayun yung mga totoong fans, mga totoong supporters."
May feeling ba siyang nabubuo rin ang love team sa kanila ni Jillian lalo na nga't click naman sila sa isa't iba?
Pasubali ni Ken, "Ah, kaming dalawa ni Jillian? Hindi ko alam.
"Ako, natutuwa po ako dahil naa-appreciate ng mga tao yung mga ginagawa namin ni Jillian, ni Doc Analyn.
"Sabi ko pa, ang dami naming napapasaya, hindi lamang Gen Z, hindi lamang millennials, pati na yun mga nanay o lola natin.
"Kasi every time na pumupunta ako sa ibang lugar, at nung pumunta ako sa Doha, Qatar at Dubai, hala, ang tawag sa akin ay Doc Lyndon!
"Ang sarap sa pakiramdam na talagang kini-kiss ako ng mga kababayan natin doon.
"Yung mga nanay, at mga lola, dun talaga ako nata-touch, lalo na kapag lola ang umaakap sa akin, ang sarap sa pakiramdam."
Hindi naman daw nakikita ni Ken na ang pagsasama nila ng kapwa-Kapuso star ay will go beyond friendship.
Saad ni Ken, "Oh, go beyond that? You know, si Jillian, sobrang focused sa career niya ngayon.
"Hindi ko nakikita na papasukin niya yung ganung sitwasyon, and I respect that. Talagang ini-enjoy niya ang moment niya ngayon.
"Ina-advice ko nga sa kanya, 'This is your moment. Unahin mo ang sarili mo.'
"Agree naman siya sa sinabi ko, at alam kong malayo pa ang mararating niya."
Mukha nga raw imposible talaga yun dahil twelve years ang age gap nila ni Jillian, na 18 years old pa lang.
Kumbaga, "kuya" na siya na maituturing nang isa "gems" ng Kapuso network ngayon.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa story conference ng upcoming movie na Slay Zone noong September 16, 2023, Linggo, sa Luxent Hotel, Quezon City.
Bahagi siya ng nasabing event bilang isa sa producers ng pelikulang ito nina Pokwang at Glaiza de Castro.
Read: Glaiza de Castro thrilled to be co-producing movie with Ken Chan
"STAR OF THE NEW GENERATION"
Bilang kaibigan, at kasama sa network, ano naman ang masasabi niya sa bagong label kay Jillian na "Star of the New Generation"?
"She is! She's the star of her generation," pagsang-ayon ng actor-producer.
"Ah, every time na nagkikita kami ni Jillian, lagi ko siyang gini-greet, 'The Star of Her Gen.' 'The Star of the New Generation.'
"Nahihiya siya. Gumaganun siya, 'Ken, no! Di totoo yan.'
"Ayaw niya, ayaw niya na may moniker. Ayaw niya talaga. Hindi raw nagsi-sink in sa kanya.
"Dun mo makikita kung gaano ka-humble si Jillian. Hindi pumapasok sa kanya, na kahit gaano kasikat na niya ngayon, at marami ang nagmamahal sa kanya."
Type nga raw ni Ken na makagawa sila ni Jillian ng isang proyekto na sa kanila sesentro ang kuwento.
Sabi niya, "Why not? I'm looking forward to that.
"Nakita ko yung working relationship namin ni Jillian, and ang sarap niyang katrabaho. Napaka-sweet niyang tao.
"Nakita ko sa kanya, na hindi lang siya physically nag-glow up, at yung personality niya mas gumanda, mas... sobrang na-appreciate ko yung ugali niya."
