Doble ang dagok sa buhay ngayon ng aktres at negosyanteng si Bianca Lapus.
Ibinahagi ni Bianca sa Facebook kagabi, September 20, 2023, ang kalungkutan sa dalawang trahedyang dumating sa kanyang buhay: ang pagkalaglag ng kanyang ipinagbubuntis at ang pagpanaw ng kanyang ama.
Ayon kay Bianca, hindi siya naging aktibo sa social media dahil inuna niyang alagaan ang kanyang kalusugan at ang pagbubuntis niya.
Pero nitong nakaraang September 19, 2023, nakunan siya at pumanaw rin ang kanyang amang si Dr. Zoilo Lopez.
Mensahe ni Bianca, “Thank you for all your messages, I am sorry I haven't been really active on social media as I have been focused on my health and pregnancy. Yesterday was a sad and heartbreaking day. I lost both my baby & my dad [heartbroken emoji]”
Ibinahagi rin niya ang post ng kanyang kapatid na si Robin Zoy Lapus para sa detalye ng lamay para sa ama.
“I couldn't reply to everyone so I'm sharing this post by my brother for the wake details of my father Dr. Zoilo Lapus. Thank you for all the prayers in this difficult time. [praying hands emoji]”
Mababasa naman sa post ni Robin Zoy na sa St. Peter’s Chapel sa Panay Avenue, Quezon City, ibuburol ang mga labi ng kanilang ama.
Sa September 26 naman ang cremation ng mga labi nito.

Samantala, matagal nang pinangarap ni Bianca magkaroon ng anak na babae.
Ang apat niyang anak ay puro lalaki: isa sa dating partner na si Vhong Navarro na si Isaiah, at tatlo naman sa kasalukuyang partner na si Jimmy Lawrence Velasquez na sina Exekiel Lawrence, Elijah Lawrence, at Ethan Lawrence.
Read: Bianca Lapus keeps hopes up for baby girl after four boys
