Muling itinanggi ni Claudine Barretto na may alitan sila ng mga kapatid niyang sina Gretchen Barretto at Jay-Jay Barretto.
Sa Instagram nitong nakaraang September 22, 2023, ibinahagi ni Claudine ang screenshot ng video call niya sa mga nakatatandang kapatid.
Sabi ni Claudine sa caption, “I miss u both terribly [sad emoji] i luv u my Ate & Kuya jjbarretto sooo much [sad, heart emojis]”
View this post on Instagram
Sa comments section, isang fan account ng aktres ang nagkomento.
Ayon dito, masaya siyang naayos na ang gusot sa pagitan ni Claudine at mga kapatid nito.
Buong komento ng netizen, “Finally, I’m sooo happy to see you guys hugging and kissing, reconcile. Praise God [heart emoji]”
Pero itinanggi ni Claudine na nagkaroon sila ng anumang problema o away ng mga kapatid.
Hindi lamang daw sila nagkikita dahil abala siya sa shooting ng pelikula niyang Loyalista.
Buong komento ni Claudine, “@official_claudine Thank you sweetheart pero d kami nagka problema or away ng ate ko.d lang talaga kami nagkikita bcoz nag shooting ako ng LOYALISTA.”

Nauna na ring sinabi ni Claudine noong September 5, 2023, na binigyan siya ng bagong iPad ni Gretchen bilang regalo nang magkasakit siya.
Ito raw ay paraan ng kanyang ate para i-spoil siya.
Read: Claudine Barretto suffering from “nakakahawa” illness; gets new gadget from sister Gretchen
Samantala, ibinahagi naman ng kuya niyang si Jay-Jay ang mga kaparehong pictures ng video call nila kay Claudine.
Caption niya, “Love [heart emojis]”
View this post on Instagram
Samantala, marami na rin ang naghihintay kung kailan tuluyang magkakasundo si Claudine at ang isa pa nitong kapatid na si Marjorie Barretto.
