May panawagan si Sassa Gurl sa mga kapwa niya content creator.
Ito'y matapos isiwalat ng dating beauty queen-actress na si Maggie Wilson na galing sa TikTok ang influencers na diumano'y sangkot sa smear campaign laban sa kanya at kumpanya niyang Acasa Manila.
May mga umamin kasing content creators na may milyun-milyong followers na gumawa ng video sa TikTok para siya'y siraan.
Tinawag ng mga itong "scam" ang Acasa Manila, isang home decor and furniture business na pag-aari ni Maggie.
Ayon sa mga content creator na lumantad kay Maggie, "scripted" ang mga sinabi nilang paninira sa dating aktres.
Binayaran lang din daw sila ng walong libong piso para gumawa ng video at i-post ito sa kani-kanilang TikTok accounts.
Iba pa rito ang karagdagang "2k" na "tf" o talent fee para sa pagsagot sa comments section ng mga ginawang videos ng "content creators" para lalong kumalat ang paninira kay Maggie.
Sa pamamagitan ng isang TikTok video noong September 29, 2023, nagbigay ng reaksiyon si Sassa sa isyung ito.
Dito ay ipinaalala niyang kailangang maging maingat at mabusisi ang mga kapwa niya content creator lalo na sa pagbibigay ng impormasyon.
Bungad ni Sassa sa kanyang TikTok video, "Hello, this is Sassa Gurl, ang inyong Pambansang Mima, meron lang po akong kaunting panawagan sa mga Filipino content creators.
"Lagi po natin tatandaan na ang popularity na meron po tayo ngayon is utang po natin sa mga Filipino audiences na sumuporta sa atin.
"Napakamakapangyarihan niyan kaya responsable po natin dapat gagamitin ang ating platform."
Sabi pa ng social media star, ugaliing mag-research bago gumawa ng content, lalo na't kung walang matibay na basehan.
Aniya, "Huwag na huwag natin traydurin ang mga nanonood sa atin sa pagkakalat ng fake news at false information.
“Kung may time po tayong mag-setup ng ilaw at kung anu-anong mga background, dapat may time din po tayong mag-research sa mga bagay-bagay na ating ipo-promote.”
Read: How TikTok star Sassa Gurl responds to overly sensitive people
Unang nakilala si Sassa sa TikTok noong 2020 dahil sa signature blush look niya at content skit niya tungkol sa buhay estudyante at mga eksena sa bahay at mga barangay.
Read: Internet sensation Sassa Gurl achieves dream of becoming a calendar model
NETIZENS REACT
Samantala, sa comments section ng post ni Sassa ay maraming netizens ang sumang-ayon sa kanya.
Komento ng isang netizen, “Very well said. That’s why I love you Sassa — kahit you’re very funny, you’re serious when it calls for it.”
Saad pa ng isa, “Sassa Gurl spitting facts. May mga blue check, pero hindi nag-fact check [crying face emoji].”
Dagdag pa ng isa, "Louder mima. Fact check first bago ngumawa."
Read: Sassa Gurl pairs PHP37.8 million necklace with "putik couture"
