PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maggie Wilson Links Rachel Carrasco to Smear

Maggie shows apology from TikTokers who were allegedly paid to attack her.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Sep 27, 2023
Maggie Wilson smear campaign against her
Maggie Wilson (left) shows screenshots of content creators on TikTok with more than a million followers who were instructed to troll her and her home decor and furniture company Acasa Manila.
PHOTO/S: Maggie Wilson Instagram

Trending sa X Philippines (dating Twitter) ang pangalan ng dating beauty queen-actress na si Maggie Wilson.

Ito'y matapos niyang isiwalat ang diumano'y smear campaign laban sa kanya at kumpanya niyang Acasa Manila.

Nitong Martes, September 26, 2023, sunud-sunod na ipinost ni Maggie sa Instagram Stories ang mga resibo ng aniya'y "smear campaign" laban sa kanya.

May mga nagpakilalang content creator na gumawa ng video sa TikTok para siya'y siraan.

Tinawag ng mga itong "scam" ang Acasa Manila, na isang home decor and furniture business na pag-aari ni Maggie.

Maggie Wilson smear campaign against her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Maggie, may kinalaman umano si Rachel Carrasco sa pag-utos sa ilang "influencers" na magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanyang negosyo.

Si Rachel ay isang entrepreneur at itinuturo ni Maggie na karelasyon ng estranged husband niyang si Victor Consunji.

Read: Maggie Wilson reacts to photo of estranged husband Victor Consunji with Rachel Carrasco and a baby

Saad ni Maggie sa isa sa kanyang IG Stories (published as is), "The same woman who filed a cyber-libel case against Tim and me is the same woman who sent those 'influencers' the screenshots (from her own acount; you can see her IG profile picture to the bottom left) that were used in those videos.

"The time stamps on those screenshots were all the same. The script is the same.

"Some comments are being deleted, some are switched off, and some videos have been deleted."

Ang tinukoy ni Maggie na "Tim" ay si Tim Connor na kasa-kasama niya abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Tim ang itinuturong third party sa kasong adultery na isinampa ni Victor laban kay Maggie.

Maggie Wilson accuses Rachel Carrasco behind smear campaign

Base sa nakalap na screenshots ni Maggie, lumabas ang Instagram display photo ni Rachel sa sinasabing pakikipagpalitan nito ng private message sa ilang content creators.

Maggie Wilson

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makikita sa exchange na iyon na fineed ni Rachel sa kung sino mang kausap nito ang comments na naglalaman ng pamba-bash kay Maggie.

"Feed them the screenshots and put together a smear campaign but next time don't get caught," patutsada ni Maggie kay Rachel.

Maggie Wilson

Dagdag pa ni Maggie, "Just stop. It's embarrassing. Be happy and leave me alone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na si Rachel ang tinutukoy ni Maggie dahil makikita sa screenshot ni Maggie ang IG display photo ni Rachel at pangalan nitong Rachel Carrasco.

Drinowingan pa ni Maggie ng arrow na nakaturo sa display photo ni Rachel para ipakita na ito ang tinutukoy niya.

Sinubukang hingan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Rachel at Victor tungkol sa paratang ni Maggie, ngunit habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa sila sumasagot sa ipinadala naming mensahe sa Instagram.

Read: Maggie Wilson speaks up about money issue involving Victor Consunji's trusted employee: "You chose to believe her over me."

tiktokers WHO APOLOGIZED TO MAGGIE WILSON

Base pa rin sa Instagram Stories ni Maggie, apat na TikTokers na may higit isang milyong followers ang umaming sangkot sila sa paggawa ng videos para siraan si Maggie at ang Acasa Manila.

Natukoy ang apat na TikTokers na sina @sendrijasjeff, @rolyn_jay, @inday_yasshley, at @yassyvibes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang apat na TikTokers ay nagsiwalat sa kani-kanilang video na binayaran umano sila para gawin ang content na iyon.

Sinabi rin nilang "scripted" ang mga sinabi nilang paninira laban kay Maggie.

Dalawa sa TikTokers ay nagpakita ng screenshots ng mga natanggap nilang instructions kung ano ang content ng gagawin nilang video kay Maggie.

Makikita sa screenshots mula sa lumantad na TikTokers na ang jump-off point ng sinasabing "script" nila ay ang IG Story ni Maggie para sa customers ng Acasa Manila noong September 23.

Ang siste, humingi ng dispensa si Maggie sa delayed delivery of orders para sa less than 10 customers ng Acasa Manila.

Tinutulungan daw siya ni Tim Connor para maresolba ang isyu.

Nabanggit din ni Maggie sa lehitimong IG Story niyang iyon na may pinagdadaanang financial issue ang Acasa Manila dahil kamakailan lang ay nadiskubre raw niyang may mga ninakaw na pera sa kanyang kumpanya.

Inamin ni Maggie na hirap siya dahil higit isang taon na siyang hindi nakakauwi ng Manila, pero siniguro niyang ginagawan na niya ng legal action ang financial issue na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din ni Maggie na dagdag pa sa problema ng Acasa Manila ay bina-bankrupt umano siya ng kanyang "ex" dahil sa "millions of pesos of unpaid bills" ng kumpanya ng sinasabi niyang ex.

Hindi man niya tuwirang pinangalanan ay mahihinuhang ang tinutukoy niyang "ex" ay si Victor.

Maggie Wilson accuses Rachel Carrasco behind smear campaign

Maggie Wilson accuses Rachel Carrasco behind smear campaign

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa lumantad na TikTokers, ang lehitimong IG Story ni Maggie ang isa sa ginamit na basehan ng kanilang "script" sa gagawing video laban kay Maggie.

Ipinakita rin ng TikTokers ang screenshots ng pinadala sa kanilang kopya ng comments mula sa ibang bashers na pinupuntirya si Maggie, para may ideya raw sila kung anong sasabihin laban kay Maggie.

Mapapanood din sa videos ng mga lumantad na TikTokers ang paghingi nila ng paumanhin kay Maggie sa nagawang paninira rito.

Pag-amin ni @rolyn_jay: "Kung napanood niyo po yung videos na ini-upload ng mga content creators tungkol kay Maggie Wilson, yes po, scripted po talaga siya.

"Meron po kaming iisang script. Isa ako sa nag-upload nun.

"Hindi ko agad na-realize na mali talaga siya. And honestly, wala po ako talagang alam sa issue na yan.

"Hindi ko kilala kung sino yung mga na-scam, kung scammer nga po sila [Maggie at Acasa Manila].

"I feel guilty, and yes po, bayad po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-reach out na rin ako kay Ma'am Maggie, and nag-sorry na rin po ako."

HOW THE SMEAR CAMPAIGN WAS ORGANIZED

Base pa rin sa Instagram Stories ni Maggie, hindi lang ang apat na TikTokers ang dawit sa paninira laban sa kanya.

Nakakalap si Maggie ng iba pang impormasyon kung paano inorganisa ang diumano'y smear campaign laban sa kanya.

Nakarating kay Maggie ang screenshots ng palitan ng mga mensahe mula sa isang group chat ng iba-ibang TikTokers at content creators na gumawa ng mapanirang videos laban kay Maggie.

Makikita sa screenshots na pinangalanan ang group chat na iyon na "Bene Project."

Maggie Wilson smear campaign against her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita sa thread ng conversation ng mga kasali sa group chat na "8K" ang "TF" o talent fee sa papayag gumawa ng video content laban kay Maggie at sa Acasa Manila.

Maggie Wilson

Gumamit ang content creators ng hashtag na "#LaggotSiMaggot," "#AcasaManila," at "#StopTheDramaMaggie."

Maggie Wilson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakuha rin ni Maggie ang screenshots ng "script" na magsisilbing gabay ng content creators sa paggawa ng video.

Maggie Wilson

Makikita rin sa thread ng group chat na "2k" ang "tf" o talent fee para sa pagsagot sa comments section ng mga ginawang videos ng "content creators" para mas lalong kumalat ang paninira kay Maggie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinawag na "client" ang sinumang tao na nasa likod ng mga utos sa kanilang siraan si Maggie.

Maggie Wilson

Si @sendrijasjeff, na may 1.5 millions followers, ang isa sa nanguna sa pag-recruit ng iba pang sasali na "content creator."

Sa kanyang apology video sa TikTok, nilinaw niyang hindi siya ang may hawak ng "talent fee" para sa ibang mga sumali sa "Bene Project."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "May isa pong tao na nagbigay sa amin ng script na iyon. Hindi po ako ang may hawak ng talent fee. May isang tao po na may hawak ng talent fee."

Hindi naman niya direktang tinukoy sa video kung sino ang "isang taong" iyon na nagbayad sa kanila para sa paggawa ng videos laban kay Maggie.

MAGGIE'S MESSAGE TO CONTENT CREATORS BASHING HER

Binalaan ni Maggie ang iba pang sangkot sa paninira sa kanyang makipag-ugnayan sa kanya upang hindi na madamay pa sa isasampa niyang reklamo.

Pahayag ni Maggie sa kanyang IG Story (published as is): "To all the content creators, organisers, and others that participated in this campaign:

"We have all of your names and many of your ID's, places of work, school, etc. Even if th videos were deleted.

"Many have messaged, trying to pass the blame on others.

"Please DM @iamtimconnor on Instagram with all screenshots of messages from your managers, friends, and others that instructed you on the campaign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Once we receive it, we will decide whether to include you in our legal action through the criminal justice system.

"We encourage you to present this within the next 24 hours."

Maggie Wilson accuses Rachel Carrasco behind smear campaign

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang masalimuot na legal battle sa pagitan ni Maggie at estranged husband na si Victor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As of February 2023, base sa official statement ni Victor na inilabas noon ng PEP.ph, nahaharap si Maggie sa tatlong bilang ng kasong adultery, at labing-anim na bilang na kasong cyber libel.

Mariin namang inaalmahan ni Maggie ang mga alegasyong ibinibintang sa kanya ni Victor, base sa mga pahayag ni Maggie sa kanyang social media posts.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maggie Wilson (left) shows screenshots of content creators on TikTok with more than a million followers who were instructed to troll her and her home decor and furniture company Acasa Manila.
PHOTO/S: Maggie Wilson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results