Inilabas na ang sanhi ng pagkamatay ng Grade 5 student sa Antipolo, Rizal, na si Francis Jay Gumikib.
Si Francis ay sinampal diumano ng kanyang Filipino teacher noong September 20, 2023.
Global brain edema o pagmamanas ng utak ang naka-indicate sa inilabas na death certificate ng 14 anyos na estudyante.
Inireklamo ng bata sa kanyang mga magulang ang pananakit ng ulo, pagkaranas ng out of balance, at pagsusuka.
Isinugod siya sa ospital, na-coma, at nanatili sa intensive care unit. Makalipas ang ilang araw, namatay si Francis noong October 2, 2023.
Read: Grade 5 student in Rizal allegedly slapped by teacher; falls into coma then dies
Nakasulat din sa death certificate na inilabas ng ospital na nagkaroon ng pagdurugo sa utak ng bata, presumptive pulmonary tuberculosis, at child physical abuse.
Kaugnay ng pananampal ng kanyang guro, hawak na ngayon ng mga pulis ang dalawang testigo,” ulat ng GMA Integrated News.
Dinala na rin ang mga labi ng bata sa Philippine National Forensic Group para sa autopsy, na makakatulong sa pag-determina kung bago o matagal na ang injury ng binatilyo.
Isasailalim din ito sa X-ray para makita kung nabalian siya ng buto.
Gagamitin ang autopsy results laban sa gurong itinuturong nanampal sa bata.
Aabutin ng pitong araw bago makuha ang resulta ng autopsy.
Sa panayam ng GMA News, sinabi ng ina ng bata na si Elena Minggoy, na wala siyang alam na sakit ng anak, at unang beses nitong ma-ospital.
Sabi ng ina, “Sintomas po na lumabas sa kanya, pagsusuka, pag sumakit daw po ang ulo niya parang maraming gumagapang sa kanang tenga niya, tapos sobrang sakit daw po talaga ng ulo niya, pati mata niya nanlalabo.”
Sinabi rin ng ina na nang dalhin sa ER ang bata, dalawang beses itong sumuka ng dugo.
Noong Martes, October 3, bumisita ang school principal at mga guro sa punerarya, pero hindi nila kasama ang gurong nanampal sa bata.
Hangad daw ng guro na makausap ang mga magulang ng bata.
Reaksiyon naman ng ina, “Umiiyak daw po yung teacher, sobrang pagsisisi…
“Sana po wag na niya pong uulitin yung pananakit sa ibang estudyante.
“Kung sakaling hindi din niya po ito sinasadya, wala din po akong magagawa. Tuloy pa rin po ang kaso.”
Nagpaabot na rin ng financial help ang Department of Education sa pamilya ng bata, at nagtayo ng fact-finding team para imbestigahan ang pangyayari.
Read: Groom on his tragic wedding in Iraq that killed 95: “We’re dead inside.”
WAIT FOR AUTOPSY RESULTS, SAYS FORENSIC EXPERT
Samantala, may mga agam-agam ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa death certificate dahil wala raw itong malinaw na paliwanag kung ano ang rason ng pagkamatay ng bata, ulat ng ABS-CBN News.
“’Yung underlying cause, yung pinaka-puno’t dulo ng nangyari sa kanya, and in that death certificate, blangko," ani Fortun sa interview.
Aniya, malabo raw ang cause of death, at ang contributing cause na child physical abuse “does not make sense.”
Kinuwestiyon ni Fortun ang sinasabing pananampal at ang epekto nito sa utak.
Hindi inaalis ni Fortun ang posibilidad na nagkaroon ng impeksiyon.
Pero maliliwanagan daw ang mga katanungan oras na lumabas ang resulta ng autopsy.
"Noong una, meron akong nariring na ear pain and pagkaganoon. I would consider baka naman merong infection sa tainga o tinatawag namin otitis. They’re suspecting [tuberculosis] in the lungs... But, you know, an autopsy will definitely answer these questions,” ani Fortun.
