PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Child star Franchesco Maafi, ipinaglihi kay Dingdong Dantes

He gets his first movie lead role in 'The Special Gift'
by Rommel Gonzales
Published Oct 8, 2023
Franchesco Maafi
Aspiring child star Franchesco Maafi says there's a special reason why he idolizes Kapuso actor Dingdong Dantes. He reveals, "Ipinaglihi po ako kay Dingdong." The young star gets his cinematic break via the movie The Special Gift.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Bida sa unang pagkakataon sa pelikula ang Kapuso child actor na si Franchesco Maafi at ito ay sa The Special Gift.

Unang nakilala si Franchesco, o Choco, sa mga Kapuso serye na tulad ng Beautiful Justice, Nakarehas Na Puso, at Hearts On Ice bilang batang Xian Lim.

Kuwento ni Choco tungkol sa titulo ng pelikula na The Special Gift, “Pinag-isipan po yan ni Direk kasi lahat po kaming magkakapatid dito parang mga special po kami dito, may special talents, kaya po Special Gift ang naisipang title nung movie.”

Tungkol na naman sa kanyang role sa pelikula, “Ako po si Liam dito, parang special na bata, meron po akong Savant Syndrome, parang meron po akong mild autism.

“Tapos, hilig ko po talagang mag-arts, pero yung daddy ko po yung parang pumipigil sa akin.

"Pero yung mommy po namin yung mahinahon lang, kinakausap po si Daddy namin para maayos.”

May special participation sa The Special Gift ang international award-winning actor na si Soliman Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pelikula ay sa direksiyon ni Lawrence Roxas, panulat ni Erick Castro, with Mr. Roy Gomez as executive producer (ng RC Gomez Entertainment Productions).

Kasama dito sina Mike Lloren, Migui Moreno, Malou Canzana. Romina Cauilan, Ella Sheen, ang newbie actor na si Angelo Gomez, at ang young actor na si BJ “Tolits” Forbes.

Read: Remember former child star BJ "Tolits" Forbes?

HANDPICKED FOR THE ROLE

Hindi na raw kinailangan ni Choco na mag-audition para sa pelikula.

Kuwento niya, “Handpicked po ako ni Direk. Sobrang saya ko po na hindi na po pinag-audition.

"Hindi na po ako parang pina-acting, handpicked na po talaga. Tinawagan na lang po kami para mag-script reading na lang po, tapos iyon po, nagandahan naman po sila.”

Mahirap ba para sa isang twelve-year-old na batang tulad niya ang umakting sa harap ng kamera?

Aniya, “Para sa akin po sa una po talaga, nahirapan din po ako, pero kapag po yung tumagal na po, medyo gamay na gamay na po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahirapan ba si Choco sa role niya sa The Special Gift?

Pag-amin niya, “Lahat naman po siguro mahihirapan po, pero dahil po meron kaming magaling na direktor.

"Natuturuan po niya kami kung paano yung tricks para hindi po masyadong ano, pero lahat naman po mahihirapan talaga dun sa role.”

Bakit dapat panoorin ng mga tao ang The Special Gift?

Pagmamalaki niya, “Napakaganda at bagay po siya sa mga bata, kasi po educational film po siya, parang madami pong makaka-relate dito sa movie na ‘to, parang ganun po.”

Nakapasok naman siya sa The Special Gift dahil ang assistant director ng pelikula ay nakatrabaho na ni Choco dati sa isang GMA teleserye na siyang nag-refer sa batang actor sa producer ng pelikula.

IDOLIZES DINGDONG DANTES

Hindi raw siya nakakontrata sa GMA pero nagpapasalamat siya na binibigyan siya ng mga proyekto ng naturang TV network lalo pa at talagang hilig niya ang mag-artista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-aaral rin si Choco sa kasalukuyan.

Lahad niya, “Opo, napagsasabay ko naman po. Grade 7 po, sa Imus, Cavite po.”

Ikinuwento niya kung paano siya napasok sa showbiz.

“Nung una po muna nag-commercial po muna ako, tapos nag-audition na din po ako sa mga teleserye,” pagbabalik-tanaw niya.

Ano ang pinakapaborito niya sa mga teleseryeng nagawa niya?

Mabilis niyang sagot, “Lahat po, lahat po maganda po, lahat po paborito ko.”

Sinong artista ang pinakagusto niyang nakakasama sa show?

“Lahat po, e, lahat po sobrang sayang katrabaho nila,” masaya niyang tugon.

Read: Dingdong Dantes dances with Marian Rivera in TikTok dance number

May artistang iniidolo raw si Choco for a very special reason.

Lahad niya, “Si Dingdong Dantes po, kasi po ipinaglihi po ako kay Dingdong.”

Hindi pa niya nakakatrabaho si Dingdong pero may magandang ibinalita si Choco.

“Soon po, makakasama ko na siya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aspiring child star Franchesco Maafi says there's a special reason why he idolizes Kapuso actor Dingdong Dantes. He reveals, "Ipinaglihi po ako kay Dingdong." The young star gets his cinematic break via the movie The Special Gift.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results