PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shaina Magdayao Addresses Pregnancy Rumors

Shaina: "Will never deny if I were since I'm already of age noh!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 12, 2023
Shaina Magdayao shuts down pregnancy rumors
Shaina Magdayao on pregnancy rumors: "My goodness, I am nooooot pregnant, people! Will never deny if I were since I'm already of age noh! But nope, I aint preggers!!!"
PHOTO/S: Shaina Magdayao Instagram

Tinawag na "fake news" ni Shaina Magdayao, 33, ang kumakalat na balitang siya ay nagdadalantao.

Kasalukuyang nasa South Korea si Shaina para sa 28th Busan International Film Festival, kung saan ipalalabas ang pelikula niyang Essential Truths of the Lake, nang makarating sa kanya ang tsismis.

Sa pamamagitan ng isang Instagram Story nitong Martes, October 11, 2023, naglabas ng video ang Kapamilya actress na nagpapakita na umiinom siya ng beer para patunayang hindi siya buntis.

Kalakip nito ang mensahe niya (published as is): “Soooo… Been getting messages from family and friends for days now about some FAKE news that’s going around back home! [laugh in tears emoji].

"My goodness, I am nooooot pregnant, people!"

Diin pa ni Shaina, kung may katotohanan mang siya ay nagdadalantao ay hinding-hindi niya ito itatago.

Hindi rin daw big deal kung sakali mang mabuntis siya dahil nasa hustong edad na siya.

Saad niya, "Will never deny if I were since I'm already of age noh!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But nope, I aint preggers!!!"

Hirit pa niya, "Cheers from Busan."

Shaina Magdayao shuts down pregnancy rumors

SHAINA'S UNFINISHED TASKS

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Shaina noong December 16, 2022, sinabi niyang single siya kahit ilang beses na raw niyang sinabi sa sarili na handa na siyang umibig muli ngunit palagi itong nauudlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi pa ng aktres, plano niya noong bago sana siya tumuntong ng 30 ay lalagay na siya sa tahimik at mag-aasawa, ngunit hindi ito natupad.

Aniya, “Ang tagal ko na gusto, before sana mag-thirty, e. Pero nga like what I said, lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy.

“I guess marami pa akong unfinished tasks.

"But I actually thought na paglabas ko ng Ang Probinsyano, I would have the time. And sabi ko, ‘A, okay, medyo ready na ako,’ kaya lang ito ang nangyayari.

“So, hindi naman siya naka-pause, it's just that siguro may mga kailangan lang akong gawin, but we’ll get there.”

Read: Shaina Magdayao on status of love life: “May mga kailangan lang akong gawin.”

Wala pa rin daw siyang dini-date. Kung magkakaroon man daw ay hindi niya ito ililihim sa publiko.

Saad ni Shaina, “When I was younger, sabi ko, ayokong magkaroon ng distraction.

"But I guess, if it’s the right person, that person wouldn’t be a distraction but an inspiration, di ba? For me to become a better person, sa lahat ng bagay, sa lahat ng aspects sa buhay mo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, wala… malalaman niyo rin naman. I have nothing to hide, and lahat ng nangyayari sa buhay ko naman nalalaman niyo naman.

“So time will come, sasabihin ko rin sa inyo, makukuwento ko rin sa inyo. But right now, wala pang certain person, like na iisang tao, wala, wala pa.”

Read: Shaina Magdayao, aminadong naging adventurous pagdating sa pag-ibig

Ang huling napabalitang spotted kasama ni Shaina sa Bohol ay si Piolo Pascual noon pang October 2021.

Read: Piolo Pascual on Bohol pics with Shaina Magdayao: “What you see is what you get.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaina Magdayao on pregnancy rumors: "My goodness, I am nooooot pregnant, people! Will never deny if I were since I'm already of age noh! But nope, I aint preggers!!!"
PHOTO/S: Shaina Magdayao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results