PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward reveals major consideration about Captain Kitten costume

"First time ko po mag-action role, mag-fight scenes..."
by Rommel Gonzales
Published Oct 15, 2023
Jillian Ward as Captain Kitten
Jillian Ward on her character as Captain Kitten: "First time ko po mag-action role, mag-fight scenes..."
PHOTO/S: @jillian on Instagram

Bata pa lamang si Jillian Ward ay kasama na siya sa cast ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Nagsimula itong umere sa GMA noong 2017, kung saan 12 years old pa lamang noon ang young star.

Kaya tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jillian sa Zoom mediacon na naganap nitong October 4, 2023, ano ang feeling na ngayong 18 years old na siya ay kasali ulit siya sa Kapuso drama fantasy anthology series?

“Naku, sobrang na-excite po ako lalo po nung fist taping day ko. Na-miss ko po talaga yung production team po ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

“Kasi naging family ko po sila for ilang years bago po ako nagsimula ulit sa Prima Donnas, tapos naging Abot Kamay Na Pangarap.

“So sobrang nostalgic po talaga. Tapos kasi parang naging baby po talaga ako sa kanila kasi ngayon po dalaga na po ako.

“Pero alam niyo po, parang baby pa rin po yung trato nila sa akin,” at tumawa si Jillian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jillian Ward, babalik sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'; sasabak sa action sa “Captain Kitten”

"Sobrang na-miss" daw niya ang mga dating katrabaho.

Aniya pa, “...iba po talaga yung feeling. Yung kapag matagal niyo pong nakasama tapos naghiwalay kayo, tapos balik po again na parang wala pong nangyari na break, ganun.

“Parang wala lang po, parang magkakasama po kami for six years na walang stop, ganun po yung feeling.”

Umeere na ngayong Oktubre ang fresh episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko na idinidirek ni Rico Gutierrez.

Kabilang dito ang "Captain Kitten," ang month-long episode na pinagbibidahan ni Jillian.

CAPTAIN KITTTEN COSTUME

Gumaganap ang Kapuso actress bilang si Kat na nagiging superhero.

May say ba si Jillian sa kanyang costume bilang si Captain Kitten?

“Meron po. Actually iyan po ang nakakatuwa po sa Daig Kayo Ng Lola Ko family kasi po very collaborative po sila.

"Iyan po sina Direk, itatanong po sa aming mga artista kung saan po kami kumportable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi para po kina Direk, alam ko po alam nila na bilang artista mas maganda po yung mga eksena kapag kumportable ka po sa suot mo, sa gagawin mo kumbaga.

“So iyon po, sobrang na-appreciate ko po iyon kasi kino-consider po talaga nila kami, yung safety po namin, kung saan po kami kumportable.

"So thank you so much po talaga sa kanila. Thank you po, Direk, thank you!”

Bilang paghahanda, pinanood daw ni Jillian ang ilang pelikulang may Catwoman character upang magkaroon siya kahit papaano ng ideya.

“Actually iyon nga po, parang medyo nadala ko po siya dun sa eksena. Tapos sinabi po sa akin, medyo mas kiddie version daw,” at tumawa si Jillian.

Ang mga napanood ni Jillian ay ang Catwoman portrayal nina Anne Hathaway sa The Dark Knight Rises (2012) at ni Halle Berry sa Catwoman (2004).

Sa kanyang Instagram account ay nag-post na dati si Jillian na naka-costume siya bilang si Wonder Woman at si Catwoman. May kuha rin siya na naka-mermaid costume.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Jillian Ward as Wonderwoman

Jillian Ward as Catwoman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pagkakaiba ng mga iyon sa kanyang pagsusuot ng Captain Kittten costume?

“Well, siyempre, po kasi ito po talaga originally made po siya ng Daig Kayo Ng Lola Ko. So parang, ibang personality po talaga siya. Bagung-bago po talaga siya, so doon po ako na-excite kasi something new po siya for me.

“Pero ito po kasi talaga sa TV po siya ipapalabas. Hindi po siya picture lang na parang cosplay.

"So ayun po, na-excite po talaga ako kasi first time ko po mag-action role, mag-fight scenes, ganun.

“Very different po siya for me and sobrang na-excite po talaga ako.”

JILLIAN WARD'S PETS

Cat person ba si Jillian o dog person?

“Hala, ang hirap! Both po, e. Pero ang pets ko po ngayon is marami po akong dogs. Apat po sila, si Butter, si Soju, si Magnus and si Gaspar.

“And ano po sila, Lhasa Apso and Pomeranian, yung isa po, may halo ng Chow Chow, so ang ku-cute po talaga nila!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam niyo po, pag uuwi po ako galing taping, kahit sobrang pagod ko po, nawawala po yung stress, yung pagod, kapag nandun po sila sa pinto pagbukas ko ng pinto. Talagang hug po nila ako, kiss nila ako.

“So iyon.”

Wala pa raw siyang pet na pusa, pero gusto sana niyang magkaroon.

“Kaso nga lang allergic po ang mama ko, so ayun.”

Kasama ni Jillian sa "Captain Kitten" sina Gabby Eigenmann as Dr. Tom, at ang Sparkle stars na sina Archie Alemania as Caloy, Angela Alarcon as Coach Abby, Kim Perez as Marty, at Shuvee Etrata as Feline.

Mapapanood ang "Captain Kitten" episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA Network.

PLANS BEYOND ACTING

Samantala, tinanong din ng PEP.ph si Jillian kung may balak ba siyang sumali sa isang beauty pageant tulad ng Binibining Pilipinas o Miss Universe Philippines.

Tutal, eighteen years old na siya, maganda, sexy, at mahusay kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Jillian, “Well, hindi po kasi ako talaga passionate about sa mga beauty pageants.

"Pero ewan ko po, para sa akin po kasi talaga, since baby po ako, buong buhay ko po is artista na po talaga ako. So ito po talaga yung nasa puso ko, e."

Jillian Ward as musician

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bukod sa acting, inamin ni Jillian na passionate din siya about music.

“Siguro, mas makikita niyo po talaga ako sa film industry, siguro po more movies, more shows, and siguro po music.

“Mas ipu-pursue ko na po yung talent ko pa po sa music, so ayun.

“Sa beauty pageants po, hindi pa po siya pumapasok sa isip ko,” at tumawa si Jillian.

Nilinaw naman ni Jillian na hindi niya totally sinasara ang kanyang pinto sa beauty pageants.

“Siguro lang po talaga, hindi pa po siya pumapasok sa isip ko.

”Talagang more on doon po ako sa art po ng acting and music, kumbaga.

“Pero hindi po natin alam, in the future.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward on her character as Captain Kitten: "First time ko po mag-action role, mag-fight scenes..."
PHOTO/S: @jillian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results