PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera's TikTok Sparks Netizen Jokes

The TikTok Queen did it again!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 14, 2023
Marian Rivera TikTok
Marian Rivera charms her fans as she takes on "Tube Girl" TikTok trend.
PHOTO/S: Screengrab @Marian Rivera TikTok

Kumalap ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens ang bagong TikTok video ni Marian Rivera.

Ito’y matapos kumasa ng Kapuso actress sa TikTok trend na “Tube Girl” sa saliw ng kantang “Greedy” ni Tate McRae.

Nitong Biyernes, October 13, 2023, ini-upload ni Marian sa kanyang TikTok account ang bersiyon niya ng "Tube Girl," kung saan dito ay makikita ang pagpo-posing niya sa harap ng camera habang ito’y nagso-slow-mo.

Mababasang caption niya, “Tube girl [Philippine flag] version.”

@marianrivera Tube girl ???????? version. ????????? #MarianRivera #tubegirl #greedy ? greedy - Tate McRae

Marami sa mga netizen ang napahanga sa ganda ni Marian habang nagpo-pose sa camera, maging ang pagiging updated daw nito sa mga latest trend sa TikTok.

Komento ng isang netizen, “Bakit niyo kasi tinuruan mag TikTok si Marian. Kapag may entry na siya ayawan na e.”

Saad pa ng isa, “Oh edi inawrahan lang tayo lahat ni Marian HAHAHAHA ganda mo Marimar.”

May iba pang humirit na kapag ginawa na ni Marian ang isang TikTok trend ay ayaw na itong sundan pa ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isang netizen, “Kapag ikaw talaga nag TikTok, panalo na agad e, hirap nang sundan.”

Hirit pa ng isa, “Marian din pangalan ko pero hindi ko kaya to. Grabe ka na mamsh.”

Dagdag pa ng isa, “May nanalo na sa trend na to, uwian na mga beh.”

Read: Netizens impressed by Marian Rivera's dance moves in latest TikTok video

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang 1.3 million views sa TikTok ang video na ito ni Marian.

MARIAN ON HER TIKTOK ERA

Noong August 10 nang simulan ni Marian ang pag-a-upload ng dance cover video sa TikTok.

Kabilang sa mga patok na dance cover niya ay ang “Price Tag” ni Jessy J na ngayon ay mayroon nang 191.8 million views, “It’s Plenty” ng Burna Boys na may 130.1 million views, at ang kanta ni Marian mismo na "Sabay-Sabay Tayo” na mayroon nang 44.3 million views at this writing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Marian Rivera delights fans with 'Sabay Sabay Tayo' dance on TikTok

Sa panayam ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 8, inamin niyang maging siya ay nagulat sa biglaang pag-viral ng una niyangTikTok dance cover.

Pagbabahagi niya, “Ginawa ko yon, nag-enjoy lang ako, e. Parang sabi ko, ‘Sige nga post ko to, try ko lang,’ tapos natulog na ako.

“Kinabukasan, ang dami kong messages, ang dami kong tawag.

“Sabi ko, ‘Anong nangyari?’ Sabi nila, ‘Sayaw ka pa.’ Okay, sige, hanggang kaya ng sched.”

Read: Niana Guerrero fangirls over Marian Rivera: "Her TikToks lately are the best."

Ang fans din daw niya ang nag-udyok sa kanyang pasukin ang mundo ng pagsasayaw sa TikTok.

Ani Marian, “Ang dami kasing nagsasabi sa akin na bakit hindi raw ako sumayaw kasi nami-miss na nila akong sumayaw.

“Kaya sabi ko, ‘Oo nga, why not? Bakit naman hindi?’

“Nag-try lang ako nung 'Price Tag,' hindi ko naman alam na magugustuhan nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dingdong Dantes dances with Marian Rivera in TikTok dance number

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera charms her fans as she takes on "Tube Girl" TikTok trend.
PHOTO/S: Screengrab @Marian Rivera TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results