PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anton Bernardo clarifies post about scammer at manlolokong bakla

Anton Bernardo admits struggling financially after being scammed by a gay.
by Jerry Olea
Published Oct 14, 2023
anton bernardo topless
Anton Bernardo: “Hindi mabuti ang sitwasyon ko ngayon. Na-scam kasi ako ng almost PHP400K. Marami akong pinautang na hindi nagbayad at hindi ko na makontak. Ako ngayon ang nawalan ng pera. Putol ang kuryente ko, problemado ako sa araw-araw na pangkain.”
PHOTO/S: Anton Bernardo Facebook

Naghimutok ang dating sexy actor na si Anton Bernardo noong isang araw sa Facebook.

Ani Anton, “Nalulungkot ako dahil ang dami na ring scammer at manlolokong bakla! Meron pa kayang mayaman na matino at matulungin."

anton bernardo facebook post

May mga nag-repost niyon sa X (dating Twitter), FB, Messenger at Telegram. Sari-sari ang komento. Ano raw ba ang ipinapahiwatig niya? Naghahanap ba siya ng baklang magsusustento sa mga pangangailangan niya at luho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ako naghahanap ng bakla! Tinatanong ko lang kung meron pang ganoong bakla,” paglilinaw ni Anton nang makatsikahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) via Messenger ngayong Oktubre 14, 2023, Sabado ng hapon.

Kumusta ang kalagayan niya?

“Jobless ako ngayon at sobrang struggle ako ngayon financially,” pagtatapat ni Anton.

“Hindi mabuti ang sitwasyon ko ngayon. Na-scam kasi ako ng almost PHP400K. Marami akong pinautang na hindi nagbayad at hindi ko na makontak.

“Ako ngayon ang nawalan ng pera. Putol ang kuryente ko, problemado ako sa araw-araw na pangkain.”

Na-scam siya ng bading?

“Oo, umutang sa akin ng malaking pera. Nang sisingilin ko, hindi ko na makontak ang cellphone number niya, at bigla na lang akong binlock sa Facebook.”

Humingi ba siya ng tulong sa mga kaibigan niyang artista?

“Sa aking kagipitan, ngayon ko nalalaman kung sino ang totoong pamilya at kaibigan,” tugon ni Anton.

Read: Former bold star Anton Bernardo resumes his acting career

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READY TO WORK AS DRIVER OR BODY GUARD

Nag-post din si Anton sa Facebook noong Hulyo 13 na handa siyang magtrabaho bilang driver o bodyguard.

Ang huling acting project niya ay ang Kapuso primetime series na Bolera (Mayo-Agosto 2022), kung saan P15K ang talent fee niya sa bawat taping day. Inalok daw siya kamakailan ng isang Kapamilya show.

Kuwento ni Anton, “PHP5K per taping ang talent fee. Sabi nila, ‘Wala kaming pakialam kung naging best actor ka! Hindi ka na famous ngayon, e! Ito lang ang budget namin, take it or leave it!’ sabing ganun?!

“Masama ang loob ko na hindi tinanggap dahil pakiramdam ko, gipit na nga ako, lalo pa nilang ginigipit!”

May mga nagdududang nagbibisyo siya muli kaya naubos ang pera niya.

Read: Former sexy actor Anton Bernardo arrested for drug possession

“Unang-una, tapos na akong mag-drugs. Hindi na ako nagda-drugs!” sabi ni Anton.

“Grabe ang ibang tao, imbes na tumulong, huhusgahan ka pa! Nawalan lang ng pera, nagbibisyo na agad?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ba puwedeng walang trabaho, nag-invest ako at na-scam, maraming tinulungan at pinautang na hindi nagbayad kaya ngayon, ako ang nawalan?!”

Ano ang idinadalangin niya sa Panginoon?

“Palaging ipinagdarasal ko na sana ay makaahon na ako sa perang nawala sa akin. Pinaghirapan ko iyong P400K at hanggang ngayon, hindi ko matanggap na lokohin ako ng ganun lang,” sabi ni Anton.

“Ipinagdarasal ko na sana, magkatrabaho na ako asap, kahit na ano, basta pagkakaperahan.

“Ipinagdarasal ko rin na sana ay meron nang mag-manage sa akin. Ang hirap ng walang manager.”

Tinagurian noon si Anton bilang "Pubic Hair King" ng local showbiz dahil sa publicity photos niya na nakalitaw ang kanyang pubic hair.

Kabilang sa mga pelikulang nilabasan niya ang Patikim ng Pinya (1996), Linggo Lang Ang Pahinga… Dapat Lang! (1997), Nang Mamulat Si Eba Part 2 (1997), Anakan Mo Ako (1999), Kesong Puti (1999), Sa Paraiso Ni Efren (1999), Gusto Ko Nang Lumigaya (2000), Red Diaries (2001), at Bedtime Stories (2002).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anton Bernardo: “Hindi mabuti ang sitwasyon ko ngayon. Na-scam kasi ako ng almost PHP400K. Marami akong pinautang na hindi nagbayad at hindi ko na makontak. Ako ngayon ang nawalan ng pera. Putol ang kuryente ko, problemado ako sa araw-araw na pangkain.”
PHOTO/S: Anton Bernardo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results