Inanunsiyo ng Miss Universe Organization (MUO) ang Top 10 sa fan votes ng mga kandidata para sa Miss Universe 2023, kahapon, October 14.
Ito ay ang mga kandidatang mula sa bansang France, Nicaragua, Albania...

Philippines, Mexico, Myanmar...

Puerto Rico, Chile, Thailand, at Lebanon.

Nilinaw naman ng organisasyon na walang partikular na pagkakasunud-sunod ang mga kandidatang kanilang inanunsiyo na pasok sa Top 10.
Patuloy pa rin ang botohan kaya hinihikayat nila ang fans na bumoto.
Buong post nila sa Facebook, “It’s neck and neck!
“These are the delegates leading the Fan Vote as of Thursday, October 12th (in no particular order).
“Don’t see your favorite delegate? Download the MISS UNIVERSE app and cast your vote now!”
Si Michelle Dee ang kakatawan sa Pilipinas sa nalalapit na 72nd Miss Universe na gaganapin sa bansang El Salvador sa November.
Ang mag-top sa fan votes ay makakasali sa semi-finalist ng beauty pageant.
