Kasal na ang PBA player na si Jeron Teng sa longtime girlfriend nitong si Jeanine Tsoi.
Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila, nitong Linggo, October 15, 2023.

Sa magkahiwalay nilang Instagram Stories, ibinida ni Jeron ang mahalagang araw sa kanila ni Jeanine nang mag-post ang basketball player ng litrato nila matapos ang kasal.
Makikita sa larawan na nakasakay ang dalawa sa isang Rolls-Royce, habang nakangiti at ipinapakita ang suot-suot nilang wedding ring.
"Just got married [ring emoji]," mababasa sa post ni Jeron.
Agad naman itong ni-repost ni Jeanine sa kanyang Instagram Story.

Bukod sa post ni Jeron, sunud-sunod ding ni-repost ng bagong kasal ang mga kuhang video at litrato ng kanilang mga guest na dumalo sa seremonya.



Noong March 22, 2022 nang ma-engage sina Jeron at Jeanine matapos ang pitong taon nilang pagiging magkasintahan.
Read: PBA player Jeron Teng gets engaged to courtside reporter Jeanine Tsoi
Sa De La Salle University (DLSU) unang nagkakilala sina Jeron at Jeanine.
Varsity player noon sa DLSU si Jeron habang courtside reporter naman sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) si Jeanine.
READ MORE:
