Walang pangingimi si Bretman Rock sa kanyang patutsada kay Vanessa Hudgens sa isang event.
Si Bretman ay kilalang Filipino-American social media influencer, habang si Vanessa ay Filipino-American Hollywood singer-actress.
Nangyari ang recent na pasaring ni Bretman kay Vanessa sa red-carpet premiere ng A Very Good Girl sa U.S. noong unang linggo ng October.
Kumakalat sa social media ang interview ng isang reporter kay Bretman na dumalo sa premiere night.
Pinaglaro si Bretman ng “This or That” kung saan kailangan niyang pumili sa mga babanggiting Filipino-American musicians.
Ang unang question: Olivia Rodrigo or Vanessa Hudgens?
Mabilis na sagot ni Bretman, “Olivia Rodrigo."
Sundot niya, "I didn’t even hear the second name. Who was that?”
Sagot uli ng reporter, “Vanessa Hudgens!”
“Olivia Rodrigo?” giit ni Bretman, na sinadyang hindi banggitin ang pangalan ni Vanessa.
Sa mga sumunod na choices, may mga pagkakataong nahirapan si Bretman na pumili ng Filipino-American musicians.
BRETMAN TAKES A SWIPE AT VANESSA THE FIRST TIME
Hindi ito ang unang beses na pinatutsadahan ni Bretman ang High School Musical star.
Noong August 2023, nag-post ang Hawaii-based social media star sa Instagram ng kanyang bakasyon sa Palawan. Ang caption niya ay tungkol sa pagpapahayag ng pagiging proud niya sa kanyang pinagmulan.
Sa comments section, nagpahaging ang isang netizen tungkol kay Vanessa.
“Vanessa Hudgens is shaking,” komento ng netizen ukol sa Fil-Am actress, na dumating sa Pilipinas noong March dahil napiling Philippine tourism ambassador ng kasalukuyang administrasyon.
Nag-reply si Bretman na halatang may pahaging kay Vanessa: B**** can’t even say Palawan.”
Read: Social-media star Bretman Rock takes a swipe at Hollywood actress Vanessa Hudgens

Nang bumisita sa Pilipinas si Vanessa ay nakabisita siya sa Palawan. May accent si Vanessa nang i-pronounce ito.
Read: Vanessa Hudgens practices proper pronunciation of Palawan; tries local snack
Unang beses makapunta ni Vanessa sa Pilipinas noong Marso. Pilipina ang ina ni Vanessa na si Gina Guangco na taga-Mindanao.
Sa isang online magazine interview kay Vanessa noong September, sinabi ng aktres na pinalaki siya sa American culture.
Pero alam niyang may “missing” sa kanyang buhay dahil hindi niya kilala ang kanyang Filipino roots.
Ang pagpunta raw niya sa Pilipinas noong Marso ang simula ng pagkilala niya sa Pilipinong pinagmulan.
Sabi pa ni Vanessa, “And when I tell them I’m Filipino, they’re like, ‘What?’
“But I am doing everything that I can do to let people know because I am proud.”
Read: Vanessa Hudgens “doing everything that I can” to show she is proud to be Filipino
