PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abegail Rait labeled "homewrecker, mistress" online

Magalona family has yet to publicly respond to Abegail's revelation.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 19, 2023
Frank Magalona
Frank Magalona (left), one of the six children of Francis Magalona and Pia Magalona, reacts to one tweet criticizing the revelation made by Abegail Rait (rightmost).
PHOTO/S: Frank Magalona Instagram/Boy Toyo Production YouTube

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-like ni Frank Magalona sa isang tweet ng netizen kaugnay sa paglantad ni Abegail Rait at 15-year-old daughter niyang si Gaile Francesca.

Si Abegail ang babaeng nagpakilalang dating karelasyon ng yumaong rapper, actor, at TV host na si Francis Magalona.

Si Frank ang pangalawa sa anim na anak ni Francis M. sa asawa nitong si Pia Magalona.

Read: Babaeng nakarelasyon umano ni Francis M., muling lumantad para ipakilala ang kanilang anak

Sa YouTube vlog ng Pinoy Pawnstars na lumabas noong Martes, October 17, 2023, isiniwalat ni Abegail na si Gaile Francesca, na may palayaw na Cheska, ang bunga ng inilihim nilang pagmamahalan umano ni Francis.

Ayon pa kay Abegail, sa labinlimang taon niyang pananahimik tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ng kanyang anak, ngayon ay handa na siyang ipakilala si Cheska na anak umano ni Francis sa kanya.

“For fifteen years, nanahimik ako. Siguro naman ito na lang yung karapatan na puwede kong magawa para sa kanya [Cheska].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman ako nagsalita, e. I know people will judge me but we exist. What we had is real,” bahagi ng pahayag ni Abegail sa vlog habang ibinebenta niya ang ilan sa mga memorabilia ni Francis na nagpapatunay ng kanilang relasyon.

Read: Anak umano ni Francis Magalona kay Abegail Rait, pinaghahandaan na ang pagpasok sa showbiz

Agad itong kumalap ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen na nagulat din sa ibinunyag ni Abegail.

Sa X (dating Twitter), isang netizen ang naglabas ng opinyon ukol sa mga binitawang pahayag ng umano'y dating karelasyon ng tinaguriang Master Rapper ng Pilipinas.

Read: Master Rapper Francis M succumbs to cancer

Mababasa nitong tweet: "I find it weird watching the video of Pinoy Pawnstar where a homewrecker revealed his affair with Francis M., saying, '15 years akong nanamihik.' Of course, you will. You're a mistress. Duh.

"And people looking at this woman with sympathy and romanticizing their affair, but all I thought about in that moment was the housewife who fought beside her cheating husband during those years of battling with cancer, all the while trying to hold her family together."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa libu-libong nag-like sa tweet na ito ay si Frank.

Frank Magalona likes netizen's

NETIZENS AIR SENTIMENTS

Inulan ng batikos ang paglantad ni Abegail, isang dating flight attendant, sa publiko at pagpapakilala sa umano'y anak nila ni Francis.

Maraming netizens ang kinukuwestiyon kung bakit daw pumayag si Abegail na maging karelasyon ni Francis gayong alam niyang kasal ito kay Pia at may mga anak sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Francis Magalona's wife and children talk about the Master Rapper's last moments

Tweet ng isang netizen (published as is), "I feel sad for pia and for her children, habang sinasabi nung kabet na ours is real, prang nasasaktan ako,, ang kapal na sabihin yun na alam niya may family yung lalake, tapos andaming anak ni FM kay pia. nakaka asar."

Saad ng isa, "She has the audacity to say “nanahimik kami ng 15 years. We exist.” I hope she knows that Francis M. is married. She chose to be a Kerida."

“The amount of people looking up to Francis M’s mistress is crazy. I know the kid is not at fault but I can’t stop thinking about his other kids and wife and how they feel about this," dagdag pa ng isa.

Noong 1985 nang ikasal sina Pia at Francis at biniyayaan ng anim na mga supling— sina Maxene (1986), Frank (1987), Saab (1988), Elmo (1994), Arkin (1999), at Clara Magalona (2000).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa rito sina Nicolo at Unna, na anak ni Pia sa una nitong partner.

Read: Here's Pia Magalona's secret to raising eight good children

Samantala, kung mayroong kumukuwestiyon sa nabuong relasyon nina Abegail at Francis ay mayroon din namang naiintindihan daw ito.

Lahad ng isang netizen, "Sorry pero di ko gets why people would hate Francis M. The person is no longer here so there's no reason to hate him or bash him as if makakarating pa sakanya. We cannot blame the kid & I also cannot blame the mother since she finally said the truth. Behind time but still honest.

"Acceptance nalang katapat nito. Yes we hate cheaters but let's leave that to the Magalona Family first. Kung okay sakanila at pinatawad nila ung kasalanang nagawa 15yrs ago, it should be okay with us as well. Di tayo ang niloko at wala tayong dugong Magalona para pangunahan sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: How Saab Magalona keeps memory of late dad Francis M. alive for sons Pancho, Vito

Sabi pa ng isa, "Don’t be judgemental, we all don’t know the real story behind Francis M’s relationship with his wife and lover. Respect for the deceased. And don’t bash his daughter, it’s not her fault to be born in this world. All I can say is based from the pics, Kiko loves her daughter."

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frank Magalona (left), one of the six children of Francis Magalona and Pia Magalona, reacts to one tweet criticizing the revelation made by Abegail Rait (rightmost).
PHOTO/S: Frank Magalona Instagram/Boy Toyo Production YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results