PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Magalona's Alleged Love Child Revealed

The late Francis Magalona's alleged daughter speaks up
by Bernie V. Franco
Published Oct 21, 2023
Abegail Rait and Gaile Francesca
Gaile Francesca, 15, (right) has been introduced by her mom Abegail Rait (left photo, beside Gaile Francesca), as the daughter of the late Francis Magalona. Abegail claims had a relationship with Francis M. in the past and Francesca is their daughter.
PHOTO/S: YouTube (Pinoy Pawnstars and GMA Integrated News)

Hindi raw apektado sa sinasabi ng iba ang nagpapakilalang anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Si Gaile Francesca, aka, Chesca, 15, ay ipinakilala sa publiko ng ina niyang si Abegail Rait, dating flight attendant na nagpakilalang lihim na nakarelasyon noon ni Francis M.

Si Chesca raw ang naging bunga ng kanilang relasyon.

Read: Frank Magalona likes netizen's post calling Abegail Rait "homewrecker, mistress"

Pumanaw si Francis M. dahil sa acute myeloid leukemia noong March 6, 2009. Siya ay 44.

Anim na buwan lamang daw noon si Chesca, kaya’t hindi na nito nakilala at nakagisnan ang umano’y ama na haligi sa OPM music.

Matapos ang rebelasyon ni Abegail tungkol sa anak niya umano kay Francis M., inulan ng batikos at masasakit na salita ang mag-ina.

Pero sabi ni Chesca, ang importante sa kanya ay alam niya ang totoo.

“I don’t mind the comments po kasi I know the story, and so, no comment na lang po ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta I know the story. That why I’m not affected at all, also my family...” sabi ng dalaga sa exclusive interview ng GMA Integrated News.

Giit pa niya, “All I know is that I am my father’s daughter.”

Inanusiyo rin ni Chesca ang hangad niyang pasukin ang mundo ng showbiz.

Sa edad daw kasi na tatlo ay hilig na niya ang pagkanta at pagsasayaw.

Sa ganitong paraan daw ay maipagpapatuloy rin niya ang legacy ng ama niyang si Francis M.

Matatandaang nagsalita si Abegail ukol kay Chesca at sa naging relasyon umano nila ni Francis M. sa vlog ng content creator n si Boss Toyo noong October 17, 2023.

Read:

Babaeng nakarelasyon umano ni Francis M., muling lumantad para ipakilala ang kanilang anak

Anak umano ni Francis Magalona kay Abegail Rait, pinaghahandaan na ang pagpasok sa showbiz

Ibinenta rin ni Abegail ang ilang mga memorabilia mula kay Francis M sa Pinoy Pawnstars ni Boss Toyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reaksiyon ni Chesca sa pagbenta ng memorabilia ni Francis M., “Nung una po ayaw ko po, pero na-realize ko rin po na kung nasa bahay lang po siya or nakatago lang po siya sa closet…

“And I felt na mas better po siya if pinreserve, since may story din po yung jersey na yon.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaile Francesca, 15, (right) has been introduced by her mom Abegail Rait (left photo, beside Gaile Francesca), as the daughter of the late Francis Magalona. Abegail claims had a relationship with Francis M. in the past and Francesca is their daughter.
PHOTO/S: YouTube (Pinoy Pawnstars and GMA Integrated News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results