"Si Isabel ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako."
Ito ang natatawa at may kilig na pag-amin ni John Lloyd Cruz tungkol sa relasyon nila ni Isabel Santos sa panayam ng aktor sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 na napanood ngayong Martes ng hapon, Oktubre 24, 2023.
Read: John Lloyd Cruz seen with girlfriend Isabel Santos's family
Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni John Lloyd sa publiko ang kasaysayan ng pagmamahalan nila ni Isabel, ang apo ng award-winning cartoonist at fine arts painter na si Mauro “Malang” Santos.
Ayon sa aktor, “We’re boring people. Wala kaming maikukuwento. Ganyan lang kami.
“Matagal na kaming magkakilala. Gallery nila yung una kong pinasok na gallery.
“At the time na bago pa lang akong tumigil with ABS-CBN, napadpad ako sa pag-e-explore ng arts so gallery nila yung una kong napasok.
“Sila yung mga una kong nakilala. Yung family nila, kung sino yung patrons ng gallery nila. Matagal na kaming magkakilala.
“We were talking before but hindi nag-evolve into something ideal for us, at the time. Mula noon, present na rin siya sa buhay ko.”
Read: Isabel Santos posts holding hands photo with rumored boyfriend John Lloyd Cruz
Si Isabel ay isa ring mahusay na fine arts painter, isang talent na hindi maitatangging minana niya mula sa kanyang namayapang lolo.
Nagtapos si Isabel ng European at German studies sa Ateneo De Manila University.
Mga artist din ang kanyang mga magulang na sina Soler at Mona Santos, ang mga may-ari ng West Gallery sa West Avenue, Quezon City.
Ang art gallery na ito ang tinutukoy ni John Lloyd na pinuntahan nito bago ang kanyang showbiz hiatus noong 2017.
Nang itanong ni Boy Abunda kay John Lloyd kung nakatulong si Isabel sa paniniwala niya sa kasal, positibo ang sagot ng aktor.
“Yeah. Malaki yung… she’s very elemental sa mga ganyang bagay.
"Sa kung paano namo-mold yung kung anuman yung mga lumalabas sa bibig ko. Kung anuman yung nabubuo sa isip ko.
“Siyempre, yung consideration lagi for the two of us, especially para sa kanya, laging nandoon,” ani John Lloyd.
“Nagtatanong about showbiz [si Isabel]?" sumunod na tanong ni Boy.
“Hindi masyado,” sagot ni John Lloyd.
"Siguro when it comes to films, lumalabas yon. But yung siya, like tatanungin kung paano, hindi masyado.”