Hindi makapaniwala si Ara Mina na mapabilang siya sa limang Women of Excellence ng Rising Tigers Magazine, isang tanyag na business magazine sa bansa.
Bukod kay Ara, kasama din sa listahan ang Diamond Star na si Maricel Soriano, dating TV executive na si Wilma Galvante, at dalawang iba pa.
View this post on Instagram
Noong nakaraang Lunes, October 23, 2023, ginawaran sila ng award sa Manila Hotel.
Dumalo sa awarding ceremony si Ara, at tuwang-tuwa siya dahil hindi lang mga taga-showbiz ang kanyang mga nakahalubilo kundi pati na rin mga bigtime sa larangan ng negosyo.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Viber messaging nitong nakaraang Biyernes, October 27, “Well, super grateful ako and honored ako sa recognition ng Rising Tigers as one of the women of excellence alongside such accomplished individuals.”
Ano ang naging impact nito sa kanyang karera?
Sabi ni Ara, “Nakaka-motivate lalo na pagbutihin pa yung career and nakaka-proud din kasi nari-recognize yung hard work ko sa craft ko and as entrepreneur.”
Bukod sa pagiging artista, isa ring negosyante si Ara kung saan ilan sa mga pagmamay-ari niya ang ang Ara’s Secret at Hazelberry Café.
Magsisilbing challenge din daw ito kay Ara para lalong pagbutihin ang kanyang trabaho.
Saad niya, “Yes, hindi lang challenge. To inspire other individuals also na never stop learning, never stop reinventing yourself and never stop to be better and better."
Sobrang masaya din daw ang asawa niyang si Dave Almarinez sa kanyang bagong tagumpay.
Simula naman bukas, October 28 ay Season 2 na ng Magandang ARAw sa Net 25, tuwing alas tres ng hapon.
View this post on Instagram
Dagdag ni Ara, “Sa Season 2, maraming mga exciting and fun episodes. May mga nakaka-inspire na kuwento din at mga guests ding celebrities.”
Sa dami ng kanyang ginagawa ngayon, paano pa niya nahahati ang oras niya sa pamilya, karera, at negosyo?
Lahad ni Ara, “Well, I have a working husband, so pag weekdays, busy talaga kami sa mga work namin.
"Nagkikita kami after our work or nasisingit namin pag nakaka-extra time.
“For example, to have dinner together or lunch together.
"Si Mandy naman busy na rin sa school. That’s why we look forward mga weekends and long weekends.”
