PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maricel Soriano, magkakaroon ng show sa NET25?

Maricel Soriano, may sitcom kasama si Eric Quizon at ang Quizon brothers.
by PEP Troika
Published Aug 28, 2023
eric quizon maricel soriano net25
Ibinalita ng actor-director na si Eric Quizon na may nilulutong programa sa NET25 na pagsasamahan nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @officialmaricelsoriano on Instagram

GORGY RULA:

Matutuloy kaya ang pagpasok ni Maricel Soriano sa NET25?

Isa ito sa sorpresa sa amin ni Direk Eric Quizon nang nakatsikahan namin siya sa nakaraang celebrity premiere ng pelikulang Monday First Screening, na magsu-showing na sa August 30, 2023.

Sabi ni Direk Eric, tuloy pa rin ang sitcom nilang magkakapatid na Quizon CT. Pero may niluluto raw silang isang show na pagsasamahan nila ng Diamond Star.

"I'm gonna work to another show, a sitcom with Marya!" napapangiting pahayag ni Direk Eric.

"So Marya is gonna be our next big star. Hindi siya makahindi sa akin, e.”

Wala raw muna siyang maibigay na ibang detalye, dahil wala pang official announcement.

"Supposedly nga... dapat pupunta sila sa Wednesday, pero may trabaho. Hanggang dun lang muna," nakangiti niyang sagot nang kinulit namin kung ano ang title ng show na pagsasamahan nila.

Isang sitcom daw ito na si Eric din ang magdidirek at kung saan makakasama nila ang iba pa niyang Quizon brothers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod pa riyan, binubuo rin nila ang gagawin nilang show para sa mga bagong talents ng Star Center na hina-handle niya.

Read: Eric Quizon, nilinaw na hindi exclusive sa NET25 ang Star Center artists

JERRY OLEA:

Good luck sa lumalaking pamilya ng NET25!

Nawa’y lumakas ang kanilang signal sa lalong madaling panahon, na magbubunsod sa pag-angat nila sa TV ratings at commercial load.

NOEL FERRER:

Ayun na nga, I know they are spending a lot for goodwill at maganda iyan bilang panimula.

But really a better signal is needed to grow their reach. At kasama tayo sa susuporta sa kanila dahil any additional media platform is welcome!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinalita ng actor-director na si Eric Quizon na may nilulutong programa sa NET25 na pagsasamahan nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @officialmaricelsoriano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results