PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Faith, Angel, Kelvin in Encantadia

Kumpleto na ang mga bagong tagapangalaga ng brilyante!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Oct 27, 2023
'Encantadia Chronicles: Sang'gre'
Kapuso stars (L-R) Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda are the new Sang'gres, who will join Bianca Umali in the much-anticipated sequel of iconic 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' in GMA-7.
PHOTO/S: GMA News Facebook

Ipinakilala na sa publiko ang tatlo pang bagong Sang'gre na makakasama ni Bianca Umali sa much-anticipated sequel ng iconic ng Encantadia, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, ng GMA-7.

Sa 24 Oras ngayong Biyernes, October 27, 2023, inanunsiyo na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda ang tatlo sa mga napiling gaganap na bagong Sang'gre.

Gaganap si Faith bilang Flamarra, ang naatasang tagapangalaga ng brilyante ng apoy.

Si Angel ay gaganap naman bilang Deia, ang tagapangalaga ng brilyante ng hangin,

Si Kelvin naman ay gaganap bilang Adamus—ang kauna-unahang lalaking Sang'gre na magiging tagapangalaga ng brilyante ng tubig.

Read: Here's what you need to know about Sang'gre, Encantadia spin-off

Sa panayam ng tatlong Kapuso stars sa entertainment reporter na si Aubrey Carampel, hindi nila napigilang maging emosyunal sa anila'y malaking break na ibinigay sa kanila ng GMA-7.

Ani Kelvin, "Hindi po kasi natin sigurado kung kailan darating sa yo yung ilaw mo, yung spotlight mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ang dami mo munang pagsubok na darating para makita mo siya, e."

Itinuturing naman ito ni Faith na katuparan sa matagal na niyang inaasam lalo pa't, pagbubunyag niya, isa rin siya sa nag-audition noong 2016 sa Encantadia.

Katulad ni Bianca, hindi rin nakuha si Faith dahil sina Kylie Padilla (Amihan), Sanya Lopez (Danaya), Gabbi Garcia (Alena), at Glaiza de Castro (Pirena) ang gumanap noon na mga Sang'gre.

Read: ON THIS DAY: Encantadia 2016 premiered on GMA-7

Ang showbiz break na raw na ito ni Faith ay alay niya sa kanyang number one supporter—ang kanyang ina.

Saad niya, "Siya yung nagbigay ng inspirasyon sa akin para galingan ko palagi, para ipakita ko sa mga tao na, you know, I'm deserving of this position right now."

Ngayon pa lang ay puspusan na raw ang kanilang training sa paghawak ng sandata at pagsasalita ng enchan ng Encantadia upang paghandaan ang pagsisimula ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, inimbitahan ni Angel ang kanilang mga tagasuporta na abangan at mahalin sila bilang mga bagong henerasyong Sang'gre.

Mensahe niya, "Taus-puso po kaming nagpapasalamat ngayon pa lang sa suporta na ibibigay ninyo.

"Iniimbitahan ko po kayo na papasukin niyo po kami sa inyong mga bahay at puso. Avisala Eshma."

Read: How Kapuso lead actress in Sang'gre, Encantadia spin-off gets chosen

Samantala, sa 24 Oras din noong October 23, inanunsiyo ang karakter na gagampanan ni Bianca bilang si Terra, ang nawawalang anak ni Sang'gre Danaya.

Read: Bianca Umali plays Danaya's daughter in 'Encantadia Chronicles: Sang'gre'

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars (L-R) Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda are the new Sang'gres, who will join Bianca Umali in the much-anticipated sequel of iconic 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' in GMA-7.
PHOTO/S: GMA News Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results