PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Badjao Girl Rita Gaviola announces engagement amid constant bashing

Still a silver lining.
by Bernie V. Franco
Published Oct 31, 2023
Rita Gaviola engaged
Badjao Girl Rita Gaviola has been in the news recently for reacting to bashing of netizens, but still gets good news after she posted that she is now engaged to her non-showbiz partner (right photo).
PHOTO/S: @itsritagaviola on Instagram

May good news sa buhay ni Badjao Girl Rita Gaviola dahil engaged na siya sa kanyang partner.

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa kanya nitong mga nakalipas na araw.

Ipinost sa Instagram ni Rita na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeric Ong nitong October 30, 2023.

Sa ipinost na photo, makikitang nagulat si Rita habang nakaluhod ang boyfriend at may hawak na singsing na nasa aktong nagpo-propose.

“This is it,” simpleng caption ni Rita.

August 2022 ay idinaan naman ni Rita via social media post na may anak na sila ng kanyang boyfriend.

Laman din ng ilang news items si Rita ngayong araw dahil sa nag-viral niyang pagla-live selling kung saan sumagot siya sa bashers.

Habang nagla-live selling kasi ay may mga bashers na nilait si Rita, tulad ng pagsasabing magbalik na lang siya sa panlilimos.

Read: Badjao Girl Rita Gaviola hits back at bashers telling her "bumalik ka sa pamamalimos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Rita ay nag-viral noon dahil sa stolen shots niyang nanlilimos sa kalsada.

Lalo siyang nakilala nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother 7 Teen Edition noong 2016.

Tuluy-tuloy pa rin sa kasalukuyan ang panlalait kay Rita na sinasagot naman niya sa kanyang social media accounts.

Ngayong gabi ay sinagot niya via TikTok ang panlalait sa kanyang dapat ay humanap na lang siya ng nobyong "afam" (foreigner) para gumanda ang lahi niya.

Parte ng kanyang sagot, "Hindi ko naman kailangan na gumanda ang lahi ko. Ang sa akin lang mabigyan ako ng magandang family and then healthy. Maayos...

"Masaya naman ako. Kuntento naman ako sa family ko ngayon."

HOT STORIES

https://www.tiktok.com/@ritagaviola20/video/7296094451515002117

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Badjao Girl Rita Gaviola has been in the news recently for reacting to bashing of netizens, but still gets good news after she posted that she is now engaged to her non-showbiz partner (right photo).
PHOTO/S: @itsritagaviola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results