Nagsimula na ring maging open sa publiko si Los Baños, Laguna councilor Leren Mae Bautista sa kanyang relasyon sa basketbolistang si Ricci Rivero.
Kagabi, November 3, 2023, nagbahagi si Leren ng isang short video sa kanyang Instagram Story.
Nanood sila ng ika-100 na show ni Gary Valenciano sa Music Museum.
Maririnig sa background na ang inaawit ni Gary ay ang kanyang sikat na awiting “How Did You Know?”
Sabi ni Leren sa caption, dumating daw si Ricci sa kanyang buhay sa tamang pagkakataon.
Alam daw ito ng Panginoon. Kaya wala na daw silang dapat ipaliwanag pa sa publiko.
Buong sabi nito, “You came at the right time in my life. God knows the truth. [heart emoji]
“We don’t have to defend ourselves anymore, ang mahalaga alam natin ang totoo. @riccirivero.”

Ni-repost din ito ni Ricci sa kanyang Instagram Story.

Noong October 28, inamin ni Leren na nasasaktan siya sa bashing na kanilang natatanggap.
Sabi niya sa isang post sa Facebook, “Damage has been done and hurtful words have been said that scarred me deeply, but it won’t stop me from doing what is right.
“We rise by lifting others. Not the other way around.
“At the end of the day, people will know, the TRUTH shall prevail.”
Read: Leren Bautista hurt by bashers of her relationship with Ricci Rivero
Isinapubliko ni Ricci ang relasyon nila ni Leren noong October 21 sa pamamagitan ng Instagram
Bahagi ng post ni Ricci, “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”
Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista
Bukod sa bashing, ikinadismaya din ni Ricci ang mga “death prayers” na kanilang natatanggap matapos ang pag-amin niya sa relasyon nila ng dating beauty queen.
Naghiwalay sina Ricci at ex-girlfriend nitong si Andrea Brillantes noong May 2023, pero June lamang ito ipinaalam sa publiko.
