Masayang ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram kagabi, November 3, 2023, ang video ng pag-sorpresa sa kanya ng panganay na anak na si KC Concepcion.
Nangyari raw ito noong gabi ng October 26, 2023, isang araw bago ang Dear Heart concert nila ng ex-husband niyang si Gabby Goncepcion.
Si KC ay anak ni Sharon kay Gabby.
Ayon kay Sharon, ito raw ang una nilang pagkikita ng anak mula pa noong last birthday celebration niya noong January 6, 2023.
Sabi niya, “Oct.26, 2023 - the night before our MOA Arena concert, KC surprised me while we were rehearsing…It was the first time I saw her again since my birthday on January 6…”
Maganda daw ang naging timing ng sorpresang pagdating ni KC dahil kung sa araw mismo ng concert siya sumipot, baka raw hindi sila makakantang dalawa.
Saad ni Sharon, “Buti that night siya dumating, kasi nag-iyakan kaming mag-ina sa pagkamiss sa isa’t isa… eh kung sa show kami mismo nagkita malamang di kami nakakanta!”
Dagdag pa ni Sharon, patuloy naman daw ang komunikasyon nila ng anak sa pamamagitan ng text messaging.
Mananatili rin daw na si KC ang kanyang “baby number 1” kahit na tumanda na sila.
Aniya, “Although nagtetextan at nagpadalahan naman kami ng gifts sa isa’t isa…KC will always be my baby #1 no matter how old we both get…I love you, Toot…
“And thank you again for my blinged-out thermos! I used it again in Okada. Unconditional always… [heart emojis] @kristinaconcepcion”
View this post on Instagram
Sa isa namang video, makikitang biglang nagtakip ng mukha si Sharon dahil sa pagdating ni KC sa rehearsal sa MOA Arena.
Caption niya, “When someone yelled “Mama!” and I saw it was KC…Oct.26,2023. MOA Arena rehearsals for dear heart the concert. @kristinaconcepcion”
View this post on Instagram
Naging successful ang reunion concert nina Sharon at Gabby na Dear Heart noong October 27, 2023.
Read: KC Concepcion happiest at Gabby Concepcion-Sharon Cuneta concert: "Yung past, past na yun."
