Hindi man nakapasok bilang isa sa mga official entries sa 2023 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Moro ng globally acclaimed director na si Brillante Mendoza, naniniwala siyang may ibang magbubukas na venue para maipalabas ang bago niyang obra maestra.
Tampok sa Moro sina Baron Geisler, Laurice Guillen, Christopher de Leon, at Piolo Pascual.
"Yun na nga, e," buwelo ni Direk Brillante.
"Kung magsara ng door, may mag-o-open ng ano... ng malalaking bintana."
Meron nang kausap si Direk Brillante para ipalabas ang Moro pero ayaw niya munang i-reveal.
Paliwanag niya, "Kasi, ang Moro, umiikot pa siya ngayon. Next month, pupunta ako sa Goa."
Ang tinutukoy ni Direk Brillante ay ang International Film Festival of India (IFFI) na itinatanghal sa Goa, India.
"Goa is the biggest, it's their 54th ano... Goa, India. Tapos, magka-Calcutta pa siya. So, kumbaga, meron kaming Indian premiere na, malaking festival yun, e."
Ayon kay Direk Brillante, maganda ang feedback ng foreign audience sa Moro.
"Tine-text ko nga si Direk Laurice nung nandoon kami sa Busan [South Korea]. Sabi ko, 'Direk, sana narinig mo yung mga sinasabi nila sa pelikula natin.'
"Unang-una, sabi nila, ibang-iba sa Apag.
"Tapos, parang na-bring-up yung mga issue sa Maguindanao. Tapos, nakuha nila yung mga rhetoric ng film.
“Yung brothers fighting over ano, yung piece of land, yung tribe and all. Tapos, yung generation of violence, and generations of yung conflict sa Mindanao…
"Gets nila yun kahit subtle ko lang pinapakita. Kaya nakakatuwa.
"Tapos, ang pinaka-nakakatuwang comment, sabi nilang ganoon, 'Are these professional actors?' 'Are they professional actors? 'Are they from the region?'
"Hindi ba kapag artista ka [at maririnig mo yun], nakaka-ano yun. Kasi nga ang salita nila, Maguindanaon.
"Of course, hindi naman nila madi-differentiate yun from Tagalog. Pero ramdam nila na ganoon ka-authentic. Kapag nagsasalita sila...Maguidanaon kasi."
Read:
Bakit ligwak ang mga pelikula nina Nora, Maricel, Claudine, Nadine, Donny sa MMFF 2023?
Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries
Maging ang batikang aktres at direktor na si Laurice ay sobrang na-impress daw sa movie.
"Sabi ni Laurice nung nag-dubbing kami, 'Ano pala ito?' Sobrang iba yung hitsura niya, yung kanyang acting [ni Laurice].
"Nung nagshu-shooting, hindi ganoon yung ano, parang feeling niya. Pero nung nag-dubbing na, nagulat si Laurice, na-ano siya. [Sabi ni Direk Brillante kay Laurice] 'O, di ba ang galing-galing ko," kasunod ang malakas na tawa ni Direk Brillante.
"Kaya nakakatuwa naman siya, yung ganoon. Very excited siya. Pero actually, nung sinubmit namin ito, parang ano lang talaga yun, hindi kami nag-expect nang malaki.
"Si Baron lang ang makulit," birong seryoso ni Direk Brillante.
"Tanong ni Baron, 'Direk, ano? Pasok ba tayo?'
“Sabi ko sa kanya, 'Baron, huwag ka nang umasa. Big stars ang pino-pokus nila ngayon, saka mas commercial. Kasi yung sa atin, hindi siya commercial," kuwento pa niya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Brillante during his birthday party na ginanap sa kanyang bahay at Center Stage Productions sa Mandaluyong City last October 30, 2023.
DIREK BRILLANTE REVEALS HOW ONE shoot TURNED OUT INTO TWO DIFFERENT MOVIES
May isa pang pelikula si Direk Brillante na kasabay niyang shinoot sa Moro—ang Bangsa.
Magkaibang point of view pero parehong konek sa nangyaring massacre sa SAF44.
"Moro is from the point of view of Muslim family, Maguindanao family. Bangsa is from the point of the view of the SAF survivor.
"So, both yung family parang ang back issue is the SAF situation, ayun. Parang dalawang films binigyan ko lang sila ng different points of view. Kasi pareho naman silang victims, e."
Initially, ang Bangsa at Moro ay magkasama sa isang pelikula.
"Editing? Ah, hindi naman, kasi nung shinu-shoot namin yun, parang two films in one ano, e. Handa talaga kami na magiging four hours siya.
"Oo, four hours. Sabi ko four hours ang film na 'to. Kaya hinati ko na siya. Puwede siyang mag-dalawang films. Kasi magla-Lav Diaz tayo. Sabi ko, baka mamaya magalit si Lav Diaz sa akin," biro niya.
Hindi kaila sa mga mga local movie fans na si Lav Diaz ay nakilala sa kanyang mga obra na inaabot minsan ng higit sa limang oras. Sa katunayan, ang kanyang 2004 movie na Evolution of a Filipino Family ay umabot ng labing-isang oras.
Pagpapatuloy niya, "Well, uh, iba kasi ang plano namin sa Bangsa. Bangsa is more uh, global. Global kasi ang SAF44 issue natin. Naging international news kasi yan. Kaya mas global ang Bangsa.
"Yung Moro, actually hindi masyadong local kung tutuusin dahil Maguindanao tribe sila, e. So, parang ang focus ko lang sa isang pamilya doon sa ano, kasi sa totoo lang, sa film, nung ginagawa ko pa silang dalawa, side story sila, ang Maguindanao family. Ngayon, ginawa ko siya talagang independent film."
Based on real people pala ang pinagkunan ng kuwento ni Direk Brillante para sa Moro.
"Oo, kaya kami nagpunta ng Maguindanao. Nainterbyu ko ang family na yan. True story talaga. Kaya nakita ko yung tulay. Nakita ko rin talaga kung saan nangyari yung barilan.”
