PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC greets dad Gabby Concepcion "happy, happy birthday."

KC: "Thank you for putting a smile on my face."
by Bong Godinez
Published Nov 5, 2023
KC Concepcion, Gabby Concepcion
KC Concepcion took to Instagram to celebrate the birthday of her father, actor Gabby Concepcion. Wrote KC, "To a fulfilling, fun and fruitful year ahead, Papa! Happy birthday to you!"
PHOTO/S: KC Concepcion (Instagram)

Hindi pinalampas ng actress-host na si KC Concepcion ang pagkakataon para batiin ang ama na si Gabby Concepcion sa kaarawan nito.

Ngayong araw, November 5, 2023, ang ika-59 birthday ni Gabby.

Sa Instagram idinaan ni KC ang kanyang mensahe para sa ama kasama ang isang lumang larawan kung saan ay magkasama silang dalawa.

"To my sweet and handsome father @concepciongabby, happy happy birthday to you!!! Thank you for putting a smile on my face, and I hope my sisters and I do the same for you, all the days of your life," pagbati ni KC kay Gabby.

Dagdag pa niya, "I love you 3x a day… and more! To a fulfilling, fun and fruitful year ahead, Papa! Happy birthday to you!"

Bilang tugon naman ay nag-iwan si Gabby ng komentong "[heart emoji] you" para kay KC sa comments section.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLOSE FATHER-DAUGHTER RELATIONSHIP

Masasabing very close ang relasyon ni KC ngayon kay Gabby, bagay na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Si KC ay anak ni Gabby sa aktres at singer at dating asawa na si Sharon Cuneta.

Bukod kay KC ay may iba pang anak si Gabby sa mga nakarelasyon matapos nilang maghiwalay ni Sharon noong 1987. Taong 1993 nang opisyal na ma-annul ang kanilang kasal.

Nito lamang nakaraang October 27 ay muling napanood na magkasama sina Sharon at Gabby sa iisang entablado sa concert nilang pinamagatang Dear Heart.

Read: Did Sharon Cuneta and Gabby Concepcion kiss during their reunion concert?

Special guest si KC sa concert kaya nagsilbing family reunion din ang special event para sa tatlo.

"Yung past, past na yun, e," bulalas ni KC sa stage nung concert sa harap ng kanyang mga magulang at manunood.

Read: Sharon Cuneta on reunion with Gabby Concepcion: “Matagal na akong prepared."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But what matters is yung ngayon and yung bukas.

"So, pareho ko kayong mahal na mahal na mahal na mahal.

"Ma, I love you so much. Pa, I love you so much."

Samantala, hindi naman ikinaila ni KC na umaasa siya na magigiging tulay ang concert para may mabuong pagkakaibigan sa pagitan ng kanyang mga magulang.

Sinabi niya ito dalawang buwan bago ang much-anticipated concert at sa press conference ng kanyang pelikula na Asian Persuasion.

Read: KC Concepion hopes mom Sharon and dad Gabby will be friends after their concert: “Pag-pray natin.”

“Alam niyo, pangarap ko kasing makita yung parents ko na masaya na nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo, magkaibigan," pahayag ni KC nang tanungin siya tungkol sa concert.

“So hopefully, guys, pag-pray natin lahat na ito na yung start talaga ng friendship nila.

“Hindi dahil gusto ko silang magkabalikan, don't get me wrong. Hindi na.

“Pero, just… para happy, yung light lang, ma-feel ko lang na… kasi parents ko iyan, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I always say, para sa lahat, it's a show [referring to concert]. Pero para sa akin, guys, totoong buhay ko to!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion took to Instagram to celebrate the birthday of her father, actor Gabby Concepcion. Wrote KC, "To a fulfilling, fun and fruitful year ahead, Papa! Happy birthday to you!"
PHOTO/S: KC Concepcion (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results