Excited na si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa 72nd edition ng Miss Universe, kung saan sa grand coronation night ay magbabalik siya bilang isa sa backstage correspondent.
Nitong Martes, November 7, 2023, inanunsiyo ng Miss Universe Organization na kasama muli si Catriona sa all-female hosting lineup ng Miss Universe 2023.
Makakasama ni Catriona sa backstage si Zuri Hall, habang sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at TV hosts Maria Menounos at Jeannie Mai Jenkins ang magsisilbing main hosts.
Read: Olivia Culpo pokes fun at her "low energy" prior to hosting Miss Universe anew
Sa post ni Catriona sa Instagram, inihayag niya kung gaano siya kasaya at ka-excited na muling mapiling maging commentator ng prestigious pageant, matapos ang kanyang hosting stint noong Miss Universe 2022 sa New Orleans.
Read: Reason why Catriona Gray cried backstage at Miss Universe 2022
"See you soon, El Salvador! So excited to be invited back as one of the hosts for @missuniverse," mababasang caption ni Catriona sa kanyang litrato.
Sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pagbati ng kanyang mga tagahanga.
Looking forward pa ang iba na sa susunod na edition ng Miss Universe ay mapabilang na rin sa main hosts si Catriona.
Komento ng isang netizen (published as is), "MANIFESTING MAIN HOST NEXT YEARRR!!"
Saad ng isa, "We can’t wait for your pasabogs!!!! GO QUEEN."
"I think GREAT JOB si Cat last year sa org kaya kinuha ulit siya as correspondants, her insights and banters on point as always. But manifesting as MAIN HOST in the following year," sabi naman ng isa.
Dagdag pa ng isang netizen, "Hope next year- Main Host na!!! Come on [Philippine flag] making us proud everyday!"
Read: Miss Universe Philippines 2022 sidelights at mga eksena sa backstage
Samantala, ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee ay kasalukuyan nang nasa El Salvador para sa pre-pageant activities bago ang grand coronation ng Miss Universe 2023 sa November 19 (Philippine time).
Read: Michelle Dee admits getting “helpful tips” from Catriona Gray, Pia Wurtzbach, R’Bonney Gabriel
