Tinapos na ba nina James Reid at Issa Pressman ang kanilang relasyon?
Ito ang tanong ng mapang-usisang netizens matapos nilang madiskubre na hindi na pina-follow ng dalawa ang isa’t isa sa Instagram.
Naglipana rin sa social media ang mga screenshot ng netizens kung saan makikita na hindi na mahagilap ang pangalan nina James at Issa sa listahan ng mga naka-follow sa kanilang dalawa.


Ngunit kung bibisitahin ang pareho nilang Instagram post ay hindi pa naman sila nagbubura ng kanilang mga larawang magkasama sa nasabing social media platform.
Noong October 31, 2023, huling nakitang magkasama sina James at Issa nang dumalo sila sa Opulence Ball.
Read: Issa Pressman on James Reid: “We are inseparable.”
September 8, ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa nang magkasama rin silang dumalo sa #PreviewBall2023 na ginanap sa Manila Marriott Hotel, sa Pasay City.
Dito ay inihayag ni James ang lubos niyang kasiyahan na sa wakas ay hindi na nila kailangang itago ng nobyang si Issa ang kanilang relasyon, matapos nila itong isapubliko noong March 17.
Pagtatapat noon nina James at Issa, masaya at in love sila sa isa't isa.
Ani James, “There’s no better way to say it. I’m very in love. I’m very happy."
Para naman kay Issa, ang pagiging supportive nila sa bawat isa ni James ang isa sa magandang parte ng kanilang relasyon.
Saad ng kapatid ni Yassi Pressman, "The best thing, like, the love that we have is we really support each other.
"I have my strengths, he has his, so we just help each other."
Hindi rin daw sila nahirapang gustuhin at mahalin ang isa't isa dahil nakikita raw nila ang kanilang mga sarili sa katauhan ng bawat isa, na siya ring dahilan kung bakit nag-click sila.
"Definitely, I think I feel like he's like the male counterpart of me," pagmamalaki ni Issa.
Agad naman itong sinang-ayunan ni James.
Saad niya, "I said that in an interview earlier and was, like, 'Is that weird to say?'
"But, yeah, I feel, like, it's like she's the female counterpart of me.
"Yeah, but six months ago, we just really clicked and, you know, we've very happy.
"It's been a crazy six months, roller coaster but super happy."
Read: James Reid on relationship with Issa Pressman: "I’m very in love. I’m very happy."
Nadine Lustre remains on James' following list
Bukod sa pag-unfollow sa isa't isa nina James at Issa, isa rin sa napansin ng netizens na ang dating nobya ng aktor na si Nadine Lustre ay nananatiling pina-follow ni James.

Read: James Reid, Issa Pressman react to his accidental twinning moment with Nadine Lustre
Noong January 1, 2020, inulat ng PEP.ph ang breakup nina James at Nadine.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Kinumpirma ng dalawa ang paghihiwalay nila sa pamamagitan ng kanilang joint statement noong January 20, 2020.
Sa ulat ng PEP.ph noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano'y third party sa hiwalayang JaDine.
Read: Issa Pressman, pinagbibintangang third party sa James Reid-Nadine Lustre breakup
Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa ni James sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.
Read: James Reid, nag-apologize kina Yassi at Issa Pressman
Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.
Read: Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup
