PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dante Rivero makes the right choice to do GomBurZa movie

Dante Rivero compares Pepe Diokno to National Artist Lino Brocka.
by Jerry Olea
Published Nov 14, 2023
dante rivero gomburza
Dante Rivero on GomBurZa movie: "I think itong pelikula naming ito is about time na mapanood talaga, especially yung mga kabataan na hindi alam talaga kung ano ang nangyari noong panahon nina Fr. Mariano Gomes, nina Fr. Burgos at Fr. Zamora. So I would recommend na panoorin po nila, at hindi kami lumayo sa totoo. Kung ano ang nangyari. At nakita ko kung paano nila ginastusan, pati mga set namin, lahat, para maging katotohanan.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Bida sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 official entry na GomBurZa sina Dante Rivero bilang Padre Mariano Gomes, Cedrick Juan bilang Padre Jose Burgos, at Enchong Dee bilang Padre Jacinto Zamora.

Ang kanilang direktor ay ang 36-anyos na si Pepe Diokno, na nagdirek before ng mga pelikulang Engkuwentro (Cinemalaya 2009) at Above The Clouds (2014).

Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action

“Ang masasabi ko kay Direk Pepe, isang bata pero mahusay na direktor,” pahayag ng septuagenarian na si Dante.

“Na if I may say so — matagal na rin po ako sa showbiz — nakita ko kung paano mag-umpisa si Lino Brocka nung mga panahon na yun.

“Parang nakita ko sa kanya yung eagerness niya na lahat ng eksena, walang makakalampas. Na kailangan sa kanya, perfect.

“Kung hindi man, mga at least 98 percent, pero hindi niya palalampasin ang eksena. So, malaki ang respeto ko maski na medyo bagets pa, bata pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I would like to thank him, yung assistant, the staff na nakita ko, nagtrabaho lahat po. Na kahit na madaling araw na, wala akong nakitang kapaguran sa kanila.”

Ang unang pelikulang idinirek ng National Artist na si Lino Brocka ay ang Wanted: Perfect Mother (1970) na pinagbidahan nina Dante, Boots Anson-Roa, at Liza Lorena.

Nasa cast din ng Wanted: Perfect Mother sina Snooky, Gina Alajar, Ariosto Reyes Jr., Arnold Gamboa, Caridad Sanchez, Mary Walter, Etang Discher, at Eddie Mercado.

Dagdag ni Dante, “Kaya ko nabanggit si Direk Lino kasi, dahil sa akin din nag-umpisa. Unang pelikula ni Lino Brocka, pelikula ko.

“At ang cameraman namin, si Carding Baltazar, tatay ni Jim. Barkada ko si Carding. Nagtulung-tulong kami.

“Si Direk Lino, maganda ang idea. Kaya lang, noong mga panahong iyon kasi, hindi pa niya masyadong kabisado yung mga camera lens, kung papaano magtrabaho yung camera.

“So, dun tumutulong yung cameraman namin na si Carding Baltazar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita ko kay Direk Pepe Diokno yung idea niya na magaganda, malalaki. Na lahat ng eksena niya, gusto niya, na makatotohanan. Makabuluhan. Lahat ng eksena.”

Read: Elizabeth Oropesa, ibinulgar ang matagal na lihim na may anak sila ni Dante Rivero

gomburza movie

Enchong Dee, Dante Rivero, and Cedrick Juan in a scene from GomBurZa

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MAKING THE RIGHT CHOICE

Bago ang GomBurZa, ang huling pelikulang pinagbidahan ni Dante ay ang Cinemalaya 2018 film na Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon, na tinampukan din nina Perla Bautista at Menggie Cobarrubias, sa direksiyon ni Carlo Catu.

Read: Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, humakot ng awards sa Cinemalaya

Kumusta ang pagtatrabaho niya muli sa GomBurZa? Nahirapan na ba siya sa paggawa ng pelikula?

“Sa totoo lang, e, hindi naman ako nahihirapan,” malumanay na tugon ng beteranong aktor.

“Hindi naman tayo makakaiwas sa edad, talagang tumatanda naman tayo. Pero ika nga, basta’t may pinagkatandaan ka, OK lang.

“So, malakas naman ang katawan natin. And I love the fact na ako po’y naging parte ng GomBurZa, at ako’y kinausap nila.

“Na hindi naman ako nagdalawang-salita dahil talagang gusto kong makagawa ng mga true story na ganito.

“At alam kong hindi nila pababayaan na merong makalampas na eksena na malayo sa katotohanan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong mga nakaraang taon ay hindi masyadong active sa showbiz si Dante. Ano ang naramdaman niya nang i-offer sa kanya itong historical film na GomBurZa?

“Nung tumawag sa akin at sinabi nga yung GomBurZa, ang nasa isip ko na kaagad ay true-to-life ito, na isang magandang pelikulang dapat gawin nang totoo, nang makatotohanan,” lahad ni Dante.

“Hindi ka puwedeng lumayo. So, nagkukuwentuhan kami nina Direk saka nung producers, ‘Anong masasabi ninyo? Anong comment mo?’

“Sabi ko, ‘Alam niyo naman yan, maraming medyo delikadong eksena, na hindi tayo puwedeng lumayo.’ Naintindihan naman nila.

“Kaya nung nag-start na kaming mag-shooting at nakita ko kung paano nga magtrabaho si Direk Pepe Diokno, so naging kampante na ako.

“Sabi ko, ‘OK, I made the right choice.’ Na tama ang kailangan kong gawin, na dapat kong gawin ang pelikulang GomBurZa.

“At sa aking research na rin kasi, dahil bilang artista, nararamdaman ko na trabaho kong saliksikin ang buhay ni Father Gomes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi lang si Father Gomes, pati si Father Burgos at Father Zamora. So, marami rin akong nalaman na hindi ko alam noong araw.

“So I think itong pelikula naming ito is about time na mapanood talaga, especially yung mga kabataan na hindi alam talaga kung ano ang nangyari noong panahon nina Fr. Mariano Gomes, nina Fr. Burgos at Fr. Zamora.

“So I would recommend na panoorin po nila, at hindi kami lumayo sa totoo. Kung ano ang nangyari. At nakita ko kung paano nila ginastusan, pati mga set namin, lahat, para maging katotohanan.”

Nag-shooting ang GomBurZa sa mga lumang simbahan ng Taal, Batangas (Minor Basilica of Saint Martin of Tours) at Tayabas, Quezon (Minor Basilica of Saint Michael the Archangel).

THE MARTYRDOM OF GOMBURZA

Ang pagbitay sa GomBurZa ang nagsindi ng alab ng kamalayan sa mga Pilipino noong 1872.

Dedicated ni Jose Rizal ang nobela niyang El Filibusterismo (1891) sa GomBurZa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malalim yung alab sa akin. Iyung alab e sa nakita kong karakter na ginampanan ko, ang napakasakit para sa akin na isipin, maski na hanggang ngayon kung iisipin ko, ay yung pagkamatay nung tatlo,” salaysay ni Dante.

“Especially yung pagkamatay ko as Fr. Gomes. Na sa kabila ng paniniwala ko sa hustisya ng España… palagay ko, magiging kalabisan kung ikukuwento ko na.

“Panoorin na lang po nila. Ang nagpaalab sa akin, yung katotohanan ng pagkamatay ng tatlo.”

Idinadalangin ni Dante na tanghalin ang GomBurZa na best picture sa 49th MMFF.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dante Rivero on GomBurZa movie: "I think itong pelikula naming ito is about time na mapanood talaga, especially yung mga kabataan na hindi alam talaga kung ano ang nangyari noong panahon nina Fr. Mariano Gomes, nina Fr. Burgos at Fr. Zamora. So I would recommend na panoorin po nila, at hindi kami lumayo sa totoo. Kung ano ang nangyari. At nakita ko kung paano nila ginastusan, pati mga set namin, lahat, para maging katotohanan.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results