May pinatatamaan bang muli ang beauty queen at Los Baños, Laguna councilor Leren Mae Bautista sa kanyang Instagram Story?
Ngayong Martes, November 14, 2023, nagbahagi si Leren ng larawan ng mga nakatambak na labahan na hugis-Christmas tree.
May star pang nakalagay sa tuktok nito.
Sabi ni Leren sa caption, “Feeling the holiday spirit already…”

Naka-tag sa post ni Leren ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.
Ni-repost naman ito ng basketbolista at pabirong nagkomento na, “Ohh buo na.”

Bago ito, noong November 10, pabiro ring nag-post si Leren ng larawan ni Ricci na may caption na “Wag ka maglaba, ako na!”
Read: Leren Bautista to boyfriend Ricci Rivero: “Wag ka maglaba, ako na!”
Hinala ng netizens, ang mga post na ito ni Leren ay tila sagot sa alegasyon noon ni Andrea Brillantes, ex-girlfriend ni Ricci, na hindi nilalabhan ng dating basketbolista ang mga maruruming damit nito.
Isinapubliko ni Ricci ang relasyon nila ni Leren noong October 21 sa pamamagitan ng Instagram.
Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista
Bukod sa bashing, ikinadismaya rin ni Ricci ang mga “death prayers” na kanilang natatanggap matapos ang pag-amin niya sa relasyon nila ng dating beauty queen.
