Isa na namang Pilipina ang nagawang malibot ang buong mundo in a span of 56 years.
Ang world traveler na si Luisa Yu, 79, ay dumating sa Serbia nitong November 9, 2023. Ito ang huli sa 193 countries sa kanyang listahan.
Pahayag ng Philippine Global Explorers (PGE), sinimulan ni Luisa ang pagta-travel sa U.S. sa edad na 23, ulat ng website ng Philippine Daily Inquirer.
Caption ni Luisa sa kanyang post (published as is): "Finally I finished my travel goal! I arrived to my last country - SERBIA! UN 193/193 I MADE IT!!!"
Dati siyang nurse sa Miami at nagbitiw siya sa trabaho para makapag-travel. Itinuon niya ang pansin sa properties bilang investments, at para ma-sustain ang kanyang hilig sa travels.
Hindi naging hadlang ang pagiging senior citizen ni Luisa para subukan ang maraming adventures. Nag-skydive ito sa Dubai at nakakilala ng iba’t ibang tribo.
Read: Mother and daughter emotional after passing board exam together

Luisa Yu with a male tribal member in Angola

Luisa photographed with a female from a tribe in Angola
Nang tumapak si Luisa sa Serbia, sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan at fellow travelers para batiin sa kanyang achievement.
Matatandaan na noong September 2022, naibalita ang unang Pilipina na nalibot ang buong mundo.
Siya si Odette Ricasa, na noon ay 77 anyos.
Read: Odette Ricasa, 77, nalibot na ang buong mundo
Sa kabuuan, mayroong 195 countries,, pero 193 lamang dito ang members ng United Nations (U.N.).
Ang dalawang bansang non-members ng U.N. ay ang Holy See at State of Palestine.
Dekada 1980 noong simulan ni Odette ang pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa.
“Pagka gusto mo talagang makita ang mundo, gagawan mo lahat ng paraan.”
At 80 percent daw sa kanyang mga biyahe ay mag-isa lang siya.
