May pinatutungkulan ba si Maxene Magalona sa kanyang Instagram Stories?
Ito ang tanong ng ilang netizens matapos magpakawala ang aktres ng makahulugang quote sa Instagram nitong Miyerkules, November 15, 2023.
Nagkataong mainit pa ring usapin ngayon ang tungkol sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya, partikular na ang isyu sa kasal ng kanyang mga magulang na sina Francis Magalona at Pia Arroyo-Magalona.
Read: Frank Magalona likes netizen's post calling Abegail Rait "homewrecker, mistress"
Mababasa sa Instagram Story ni Maxene, "Forgive your parents. They were learning to."

Hango ito sa maikling tula ng poet-playwright na si Nikita Gill.
Ang nasabing tula ay patungkol sa younger version ng isang ina at ama at ang pagharap ng mga ito sa pagsubok sa kanilang buhay.
Narito ang kabuuan ng tula ni Nikita Gill:
"In another universe, I meet my father when he is a child.
We play catch in the woods and as we play he tells me he isn't allowed to cry.
But sometimes the world hurts him and he doesn't know what to do with all the pain.
So I give him the shoulder to cry on.
And he does. He does until the tears are done.
Afterwards, I buy him ice creamand I listen to his laugh.
The glowing warm laugh of a child who knows he is safe.
I wish someone could have done that for him.
Been a kind, safe place for the child he used to be.
Would it have have made a difference?
In another universe, I meet my mother when she is a child.
We go for a walk at the seaside and she tells me all the things she loves about the world.
We share a hundred jokes and she laughs so easily, without a single worry.
I want to meet that version of her.
Wide eyed and full of joy.
Easy laughter and carefree.
Before ha same world she loved so deeply broke her heart."
Hindi malinaw kung ano at sino ang pinatutungkulan dito ni Maxene kung bakit niya ito ipinost.
Read: Anak umano ni Francis Magalona kay Abegail Rait, pinaghahandaan na ang pagpasok sa showbiz
FRANCIS ALLEGED LOVE AFFAIR
Nasimulang kuwestiyunin ang pagsasama nina Francis at Pia nang lumantad sa publiko si Abegail Rait at ang 15-year-old niyang anak na si Cheska.
Ayon kay Abegail, na nagpakilalang dating nakarelasyon ni Francis, si Cheska ang bunga ng lihim na pagmamahalan nila noon ng tinaguriang Master Rapper ng Pilipinas.
Read: Babaeng nakarelasyon umano ni Francis M., muling lumantad para ipakilala ang kanilang anak
"For fifteen years, nanahimik ako. Siguro naman ito na lang yung karapatan na puwede kong magawa para sa kanya [Cheska]," pagsisiwalat ni Abegail sa isang vlog noong October 17, 2023.
Sinundan ito ng pasabog na rebelasyon ng dating aktor at malapit na kaibigan ni Francis na si Robby Tarroza, na nagsiwalat ng nagkahiwalay noon sina Francis at Pia.
Kinuwestiyon din ni Robby kung kasal si Pia kay Francis, dahil sa pagkakaalam daw niya ay may naunang kasal si Pia sa isang non-showbiz guy at may dalawang anak ang mga ito.
Read: Former actor Robby Tarroza claims Pia Magalona was never married to Francis M.
Sa kabilang banda, sinasabing kasal sina Francis at Pia sa Hong Kong.
Ito ay matapos lumutang ang lumang Facebook post ng veteran showbiz writer na si Pilar Mateo, na nagpapakita na kasama ito nang ikinasal sina Francis at Pia sa Hong Kong.
July 2015 nang i-post iyon ni Pilar sa Facebook.
Noong October 23, 2023, o makalipas ang mahigit walong taon, nagkomento si Pilar sa comments section ng kanyang lumang post para klaruhin na "JULY 14, 1995" ginanap ang kasal ng couple.
Read: Photo of Francis Magalona-Pia Magalona Hong Kong wedding in 1995 resurfaces
Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) napag-alaman namin na walang nakarehistrong certificate of marriage sina Francis at Pia sa Pilipinas, base sa Certificate of No Marriage (CENOMAR) mula sa Philippines Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na as of October 27, 2023, hindi nakarehistro ang pangalan ni Francis sa "National Indices of Marriages" ng ahensya, base sa records nito ng mga ikinasal mula "1945-2023."
Habang kay Pia naman as of October 27, 2023, hindi rin nakarehistro ang pangalan niya sa "National Indices of Marriages" ng ahensya.
Read: Francis and Pia Magalona have no certificate of marriage in PH; what is its legal implication?
