Bago ang inaabangang Miss Universe 2023 grand coronation night, nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Anna Lakrini na kinoronahang Miss Globe 2023 second runner-up.
Ang nanalo ng korona ay si Miss Malaysia (Manvin Khera), habang first runner-up si Miss Spain (Katia Agbodo Rodriguez).
Fourth runner-up si Miss USA at third runner-up si Miss Nigeria.
Si Anabel Payano ng Dominican Republic ang nagpasa ng korona.
Ginanap ang international pageant sa Albania ngayong November 18, 2023, Sabado ng umaga (Philippine time).
May 51 kandidata ang naglaban-laban para sa international crown.
Noong nakaraang taon, pumasok sa Top 15 ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Fernandez.
Dalawang beses nang napanalunan ng Pilipinas an Miss Globe crown — sina Ann Lorraine Colis noong 2015 at Maureen Montagne noong 2021.
Narito naman ang special awards ng Miss Globe 2023:
Miss Golden Girl - Belgium
Miss Tourism - Germany
Miss Dream Girl of the Globe - North Macedonia
Miss Best National Costume - Taiwan
Miss People's Choice - Jamaica
Miss Photogenic - Laos
Miss Elegance - Czech republic
Miss Runway - Albania
Miss Social Media - Japan
Miss Friendship - Hawaii
Miss Head to Head Challenge - South Africa
Miss Talent - Malaysia
Miss Bikini - Brazil
