May nakakaantig na mensahe si Michelle Dee matapos hindi palaring makapasok sa Top 5 ng Miss Universe 2023.
Read: Michelle Dee advances to Miss Universe 2023 Top 20
Hanggang Top 10 lamang ang inabot ng pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe na ginanap sa National Gymnasium sa San Salvador, El Salvador, ngayong araw, November 19 (petsa sa Pilipinas).
Read: Michelle Dee advances to Miss Universe 2023 Top 10
Sina Miss Thailand Anntonia Porsild, Miss Australia Moraya Wilson, at Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang tatlong kandidatang maglalaban para makuha ang Miss Universe 2023 crown.
Read: Miss Universe 2023 Top 3 finalists
Sabi ni Michelle sa kanyang Instagram broadcast channel, "Love and kindness over everything!"
"Mahal ko kayo," ang sunod naman niyang post.
Nagpasalamat naman siya sa lahat ng kanyang supporters.
Aniya, "Thank you so much for raising our flag with me."

Sa huli, si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang kinoronahang Miss Universe 2023.
First runner-up si Miss Thailand Anntonia Porsild.
Second runner-up naman si Miss Australia Moraya Wilson.
