Inihayag ni Claudine Barretto, 44, na wala siyang bagong pag-ibig mula pa raw nang maghiwalay sila ng estranged husband na si Raymart Santiago, 50.
Kontrobersiyal ang hiwalayan ng mag-asawa noong March 2013; at nauwi pa ito sa mahabang legal battle noon.
Hindi na binanggit ni Claudine ang detalye ng separation nila ni Raymart.
Read: Claudine Barretto on why her marriage to Raymart Santiago failed: “I think rebound kasi.”
Paninindigan lang niya, "Eleven years na talaga, wala akong boyfriend, walang date, walang ano."
Nagkatawanan ang entertainment editors at reporters nang sabihin ni Claudine ang "walang ano."
Sabay seryosong patuloy ni Claudine, "Kung mapapansin niyo, wala rin naman talaga rin na natsitsismis sa akin.
"So, talagang tutok lang talaga ako to my children, yun lang talaga. I think I was really born to be a mom."
Aniya, sa loob ng mga nakalipas na taon ay mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagiging ina sa mga anak.
Si Sabina ay 19 taong gulang, habang si Santino ay 16 taong na.
In recent years, may dalawa pang ipinakilalang anak si Claudine—sina Quia at Noah.
Naniniwala si Claudine na hindi siya mahirap mahalin bilang karelasyon.
Pahayag niya, "Sabi ko nga, hindi ko alam kung bakit hindi nag-work yung marriage ko because hindi ako asawa na nagger.
"Masaya akong asawa. Mabuti akong asawa."
Nakapanayam ng press si Claudine, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ilunsad ang Lovers/Liars noong November 13, 2023.
Ang Lovers/Liars ang pagbabalik ni Claudine sa GMA-7 matapos ang 12 taon.
Magsisimulang umere ang serye ngayong Lunes, November 20, sa GMA Telebabad.
Read: Claudine Barretto, gagawa ulit ng teleserye sa GMA-7 pagkatapos ng 12 taon
ON POTENTIAL SUITORS
Personal choice daw ni Claudine ang hindi pakikipagrelasyon dahil may mga manliligaw naman daw siya.
"Meron, pero siguro naaano sila, nai-intimidate siguro; and siguro nakikita nila na hindi yun ang priority ko," dagdag ng aktres.
Sarado na ang puso niya na magmahal ulit?
Napangiting sagot ni Claudine, "Hindi lang puso, lahat-lahat!"
Hindi na niya hinahanap?
Sabay paglilinaw ni Claudine, "Hindi naman sarado yung puso ko to love again, pero hindi yun ang priority."
Magpapasalamat daw siya sa Diyos kung may dumating na lalaking para sa kanya, at "bonus" na lang daw iyon.
Aniya, "Naniniwala ako na kung para sa yo talaga, darating at darating."
Hindi naman daw mahirap abutin ang non-negotiable niya sa pakikipagrelasyon.
"Yung hinahanap ko talaga is yung kayang mahalin yung mga anak ko more than anything.
"Kung mahal ako, sana mas mahal yung mga anak ko, kasi at the end of the day sila pa rin ang number one.
"And kung ma-in love man ako, yun ang magiging number two."
Read: Claudine Barretto reacts to “naghihirap” comment after posting search for secretary
NOT ON SPEAKING TERMS WITH RAYMART SANTIAGO
Nang usisain tungkol sa kanila ni Raymart, pahapyaw na nagkuwento si Claudine na hanggang sa kasalukuyan ay hindi sila on speaking terms ni Raymart.
"Sa mediation lang kami nagkikita, pero hindi kami nakakapag-usap," ani Claudine.
Kung noon ay posibleng maging magkaibigan sila, ngayon ay malabo raw mangyari dahil sa nobya ni Raymart na hindi niya pinangalanan.
Hindi raw magandang impluwensiya ang current girlfriend ni Raymart.
Nagpa-safe at umiwas namang sumagot si Claudine nang tanungin ni Gorgy Rula ng PEP Troika kung si Jodi Sta. Maria ang pinatutungkulan niya.
Read: Claudine Barretto nagpatutsadang "bad influence" ang karelasyon ni Raymart Santiago
Ang tanging kinumpirma ni Claudine ay ongoing ang annulment case nila ni Raymart.
Sinabi rin niyang hindi niya maintindihan ang hinihingi ni Raymart sa korte na kustodiya para sa anak na si Santino.
Sabay nagpatutsada ang aktres na "delay nang delay yung deadline ni Raymart for support."
Liban dito ay hindi naman nagdetalye si Claudine sa legal battle nila ng estranged husband.
