PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vehicle Hair Strands Help Camilon Case

Catherine Camilon is missing for a month and eigth days now.
by Arniel C. Serato
Published Nov 21, 2023
Catherince Camilon case update
PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo (not in photo) on other hair strands recovered from abandoned vehicle used in transporting Catherine Camilon (above photo): "Posible po na doon sa mga tatlong lalaki po na nakita po ng ating mga witness na naglipat po doon sa duguang babae maaaring galing po sa kanila itong iba pang mga ebidensya na na-recover po sa red CRV po."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Bukod sa dugo at buhok na nag-match sa DNA profile ng mga magulang ng nawawalang breauty queen na si Catherine Camilon, may natuklasan pang ibang hibla ng buhok sa abandonadong sasakyang nakita ng pulisya sa Batangas.

Posible raw itong maging susi upang matunton ang iba pang mga suspek sa kaso ng pagkawala ni Camilon.

Read: Who is Catherine Camilon?

Ayon sa ulat ng 24 Oras ngayong gabi, November 21, 2023, hindi lang daw mga buhok ni Catherine ang nakita ng mga imbestigador sa abandonadong sasakyan kundi may ilang hibla pang nakuha na hindi daw tumugma sa DNA profile ng mga magulang ng missing beauty queen.

Read: Vehicle possibly linked to Catherine Camilon disappearance found in Batangas City

Ayon kay Police Colonel Jean Fajardo, spokesperson ng Philippine National Police (PNP), "Ilan lamang po doon sa hair strands ang nag-match po doon sa DNA profile po ng nawawala po nating biktima."

Base sa sinabi ng CIDG noon, ikinuwento ng dalawang saksi na nakita nilang duguan si Catherine habang binubuhat ng tatlong lalaki at inililipat ng sasakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Report: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon seen bloodied by two witnesses

Sabi ng PNP, posibleng ang mga nasabing hair strands ay sa tatlong lalaki.

Dagdag pa ni Fajardo, "Posible po na doon sa mga tatlong lalaki po na nakita po ng ating mga witness na naglipat po doon sa duguang babae maaaring galing po sa kanila itong iba pang mga ebidensiyang na-recover po sa red CRV po."

Patuloy pa raw na ginagawa ang forensic examination sa mga ebidensiya.

Read: Prime suspect in Catherine Camilon disappearance admits "illicit relationship" with beauty queen; invokes right to remain silent

Ayon pa kay Fajardo, "Kailangan po natin ng ibang standard na papagkumparahan po natin dito sa mga ibang ebidensiya na-recover."

Kahapon, November 20, sinabi ng CIDG na nagtugma ang DNA profile na isinumite ng mga magulang ni Catherine sa dugo at hair strands na na-recover ng pulisya.

Read: CIDG confirms Catherine Camilon’s parents DNA profile matched with hair, blood recovered from abandoned vehicle

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

October 12, 2023 pa nawawala si Catherine o may isang buwan at walong araw na ngayon.

Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo (not in photo) on other hair strands recovered from abandoned vehicle used in transporting Catherine Camilon (above photo): "Posible po na doon sa mga tatlong lalaki po na nakita po ng ating mga witness na naglipat po doon sa duguang babae maaaring galing po sa kanila itong iba pang mga ebidensya na na-recover po sa red CRV po."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results