Inulan noon ng kabi-kabilang pamba-bash ang Kapamilya actress na si Kira Balinger nang paratangan ng model-social media influencer girlfriend ni Kelvin Miranda na si Roselle Vytiaco na niloko raw siya ng Kapuso actor at ni Kira.
Sa kanyang.personal instagram page nung Marso, sunud-sunod na nag-post sa kanyang IG stories si Roselle ng diumano'y panloloko sa kanya ng ex-boyfriend at ni Kira.
Nang hingan naman ng reaksyon tungkol sa isyu si Kira, itinanggi nito na siya ang third party sa paghihiwalay nina Kelvin at Roselle.
Sinabi pa nitong hindi raw siya dapat isinasangkot sa break-up ng dalawa.
Read: Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."
Sa gitna ng mga pangyayaring ito kay Kira, naroon naman ang singer-actor na si LA Santos para damayan at aluin ang Kapamilya actress.
May sightings pa nga ang dalawa na magkasama, na nagbibigay naman ng impresyon sa mga nakakita na may espesyal na namamagitan sa kanila.
Nagkasama kasi noon sina LA at Kira sa pelikulang Maple Leaf Dreams.
Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LA, sa nakaraang grand press conference ng pelikulang In His Mother's Eyes.
Ginanap ang presscon sa Oriental Palace Restaurant, Morato, Quezon City, nung nakaraang November 16, Huwebes.
kelvin, not a gentleman
Tinanong ng PEP.ph si LA kung ano ang suportang ibinigay niya kay Kira nung panahon na bina-bash ito ng netizens.
"I just tried my best to be there for her kasi di niya deserve yung nangyari.
"Mali yung ginawa ni Kelvin na pinabayaan niya lang si Kira, di niya dinefend which is for me, di siya gentleman.
"Mali siya [Kelvin], kaya ako bilang good friend of her, I just tried my best to be there for her. At siyempre, mas i-remind ko sa kanya na mabait siyang tao.
"Unfortunate lang yung nangyari kaya ako I'm just praying na mas ma-reach pa niya ang mga pangarap niya kasi she really deserves a very good life.
"Kasi di lang siya sobrang magaling na artista. Kumbaga sobra din siyang bait na tao."
chances with kira
Kinumusta namin ang panliligaw niya kay Kira at kung nakikita niya ba na may pag-asa siya rito.
"May time na nanliligaw pero ako personally gusto ko muna na maabot niya muna ang mga pangarap niya. Right now we're bestfriends.
"Pag-asa? Sana, sana po. Kira is a very good person, she has a very good heart kaya siyempre di ko naman isasara yung doors diyan. Ang importante sa akin, nandito lang ako para sa kanya."
