PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PNP: Still no clear proof of life of Catherine Camilon

Beauty queen Catherine Camilon is missing for more than a month and a half now.
by Arniel C. Serato
Published Nov 28, 2023
PNP says proof of life of missing beauty queen Catherine Camilon still unclear
PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo on missing beauty queen Catherine Camilon (in photo): "Bagamat we have to admit, as of now po, wala pa po talaga tayong clear na mai-establish na proof of life ni Catherine po pati na rin po yung possible location po niya.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Hindi pa rin makumpirma ng Philippine National Police (PNP) kung buhay pa ang nawawalang Miss Grand Philippines 2023 candidate at Grade 9 teacher na si Catherine Camilon.

Read: Who is Catherine Camilon?

Mahigit isang buwan at kalahati na mula nang mawala si Catherine noong October 12, 2023.

Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister

Pero ayon sa PNP, marami raw silang impormasyong nakalap na maaaring may kaugnayan sa pagkawala ni Catherine.

Saad ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo sa SMNI News, “Tuluy-tuloy ang ginagawa nating backtracking pati dun sa mga CCTV, bagamat mahigit isang buwan na po ito.

"Although may mga sinabi po si Colonel Malinao dun sa naging backtracking po nila na may mga lugar po silang nakita kung saan dumaan po itong Nissan Juke, at yun ang nagbigay sa kanila ng mga additional information.

“Bagamat we have to admit, as of now po, wala pa po talaga tayong clear na mai-establish na proof of life ni Catherine po, pati na rin po yung possible location po niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Fajardo na "Colonel Malinao" ay si Police Colonel Jacinto Malinao Jr., regional chief ng CIDG 4A.

Read: Police major in "general denial” about involvement in Catherine Camilon disappearance

Ayon pa sa ulat, malinis ang fingerprint ng mga suspek sa abandonadong sasakyang natagpuan sa Batangas City ng pulisya.

Read: Vehicle possibly linked to Catherine Camilon disappearance found in Batangas City

Pahayag ni Fajardo, “Doon sa fingerprints po ay wala po silang na-lift na latent fingerprints po kasi ginamitan na po nila ng fuming examination po, pero wala po silang clear na latent print na na-lift po sa CRV po.

“Ibig sabihin po noon, there is a possibility na pinunasan or nalinis na po para hindi po tayo maka-lift ng fingerprint.

“But malaking bagay po yung nagkaroon po tayo ng DNA matched doon po sa magulang po ni Catherine dahil ito po ang nagpapatunay na isinakay po doon si Miss Catherine doon sa na-recover po na red CRV.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Other hair strands discovered from abandoned vehicle will help in Catherine Camilon disappearance case

PRELIMINARY INVESTIGATION

Ayon din sa PNP, hindi pa rin lusot ang mga suspek sa kaso kahit walang nakuhang fingerprints sa abandonadong sasakyan dahil may hair strands pa namang patuloy na ini-examine.

Ani Fajardo, "May ilan lang doon sa hair strands ang nag-match po doon sa DNA profile po ng magulang ni Catherine.

"Yung iba po doon ay hindi po nag-match at ibig sabihin po ay mayroon pong nagmamay-ari ng iba o doon sa mga buhok po na na-recover po doon sa loob ng CRV na red po.”

Umaasa naman ng kusang kooperasyon ang pulisya mula sa pangunahing suspect na si Major Allan De Castro para sa isang DNA test.

Sabi pa ni Fajardo, "We want to encourage definitely si Major De Castro, sinabi naman po niya na handa niyang harapin itong kaso na ito and it would be good faith on his part, he can show good faith on his part na handa niyang harapin itong kaso na ito na magpa-DNA test po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But hindi natin siya puwedeng puwersahin dahil kailangan nating dumaan sa proseso.

"Kaya gaya ng sinabi ko, is it right for the PNP now to request for his DNA while ongoing yung preliminary investigation or kailangan nating antayin na formal pong mai-file yung kaso sa level ng court before we request the court to allow us to get the DNA profile ni Major De Castro and possibly yung ibang mga suspect po to compare doon po sa mga hair strands na na-recover po sa CRV.”

Read: Prime suspect in Catherine Camilon disappearance admits "illicit relationship" with beauty queen; invokes right to remain silent

Pauloy pa rin diumano ang case build-up at evaluation ng Batangas Provincial Police Office hinggil sa kasong ito ni Catherine.

Itinakda ang preliminary investigation sa kaso sa darating na December 19, 2023 at sa January 9, 2024.

Dito ay inaasahang magpapasa ng counter-affidavits ang mga akusado na sina De Castro, kanyang driver at bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang iba pa kaugnay ng pagkawala ni Camilon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahaharap sila sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Read: Kidnapping, illegal detention filed vs four suspects in Catherine Camilon disappearance

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo on missing beauty queen Catherine Camilon (in photo): "Bagamat we have to admit, as of now po, wala pa po talaga tayong clear na mai-establish na proof of life ni Catherine po pati na rin po yung possible location po niya.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results