Kahit na unang beses pa lang makakatrabaho ni Robb Guinto si Matt Francisco ay may love scenes na agad sila sa Araro.
Gaganap bilang magkasintahan ang dalawa sa naturang Vivamax four-part series.
Paano nila pinaghandaan ang kanilang love scenes?
Paglalahad ni Robb sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ano naman po… naging magkaibigan naman po kami agad ni Matt.
"I mean, nagkapalagayan din naman muna po kami ng loob, since yun nga po, first time namin na magka-work.
"And then pinag-usapan din naman namin kung paano yung mga gagawin naming eksena bago i-shoot.”
Read: Showbiz personality "sex object" ng karelasyon?
May mga limitations ba si Robb kay Matt sa mga intimate scenes nila?
“Yes po, may mga limits din naman po ako na sinabi sa kanya. Like ayoko po ng hinahawakan yung boobs ko, and then no tongue pag nagki-kiss,” pakli ni Robb.
Dahil sa limitations na ito ni Robb, aminado ang aktres na "dinaya" na lang nila ni Matt ang kanilang torrid kissing scene sa Araro.
Sa tanong naman ng PEP.ph kung bakit Araro ang title ng pelikula ay may pabirong sagot ang aktres.
“Kasi po aararuhin po lahat ni Vince yung mga babae dito,” ang humahalakhak na sagot ni Robb, na pinatutungkulan si Vince Rillon na gumaganap bilang kanyang kapatid sa pelikula.
Bukod kina Vince at Matt, kasama rin ni Robb sa Araro sina Micaella Raz, Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa, Caira Lee, Vino Gonzales, Raffy Tejada at Ronnie Lazaro.
Ang Araro ay sa direksyon ni Topel Lee.
Read: Yassi Pressman gives PHP100K to driver whose car was hit by personal driver
ROBB ON NUDITY
Samantala, ikinuwento rin ni Robb sa PEP.ph na bagamat mapangahas ang kanyang mga eksena sa Araro at iba pang pelikula, lagi siyang may suot na plaster kahit na dapat ay hubo't hubad ang kanyang karakter.
“Opo, may plaster po, and sa lahat naman po ng mga love scenes na ginagawa ko sa lahat ng movie, laging may plaster.”
Hindi na raw siya nasasaktan kapag tinatanggal na ang plaster niya.
Tumatawang sagot ni Robb, “Hindi naman po, nasanay na, e.”
“Nilalagyan po ng oil,” dagdag pa niya.
Halimbawang magkaroon siya ng direktor na ire-request sa kanya na for art’s sake ay huwag gumamit ng plaster, ano ang gagawin niya?
“Siguro baka mahabang usapan po muna yung gagawin namin, bago po siguro ako pumayag, at saka depende din po kung gaano kaganda yung istorya.”
Pero hindi pa nagkaroon si Robb ng eksenang hindi siya nag-plaster.
“Never pa po.”
At lalong hindi pa rin siya nag-frontal nudity sa kahit na saang proyekto.
“Ay, wala pa po.”
Kapag pagagawain siya ng frontal nudity na eksena?
“Ayun din po, parehas din po, pag-uusapan din po at saka depende pa din po sa istorya. Go naman po ako basta mapag-uusapan namin.
“Ngayon wala pa naman po.”
ROBB'S FUTURE PLANS
Bago nag-artista, sumali at nanalo na dati sa isang beauty pageant si Robb.
Kuwento ng 24-year-old actress, “Before po, nung college days ko po, at saka high school.
“Ako po yung nanalo, Ms. Fatima University po, mga 16 or 17 years old po ako nun.”
Pero hindi na raw niya naisip pasukin ulit ang pageantry dahil "medyo mahina din po kasi yung loob ko, e."
Aniya, “Before po kasi ano e, wala pa po akong… yung confidence ko, kung paano humarap at makipag-usap sa tao.”
Pagtitiyak naman ni Robb, balak niyang ituloy ang kanyang pag-aaral.
Ang Vivamax star ay isang undergraduate student ng kursong Tourism, at isang taon pa ang kailangan niyang buuin para makapagtapos.
Pag-amin ni Robb sa PEP.ph, “Ano pa rin naman po, naiisip ko pa rin naman po talagang bumalik ng pag-aaral."
Pero bilang breadwinner ng kanyang pamilya ay sila muna ang priority ng aktres.
"As of now po kasi, yung kikitain ko kasi, imbes na ipang-aaral ko muna sa sarili ko, yun na lang muna yung ipang-susuporta ko sa pamilya ko, pag nagkaroon naman ako ng extra…
“At kapag nakapag-ipon na po ako, tsaka ako mag-aaral uli,” pakli niya.
Sa ngayon, dahil nakatuon siya sa kanyang career, mayroon ba siyang gustong maging leading man sa isang pelikula na may intimate scenes?
Kung bibigyan siya ng pagkakataon ng VIVA at Vivamax, umamin si Robb na gusto niyang makatrabaho si Piolo Pascual.
Read: Piolo Pascual tags himself "Most Promising Old Actor" for saying "yes" to all offers
“Si Papa P. po, idol ko po talaga si Papa P.,” ang tumatawang sagot ni Robb. “Maka-eksena lang naman po. Wala po, kasi ang pogi ni Papa P."
Nasa wishlist din niya si Alden Richards.
Read: Alden Richards thanks honest driver for returning lost phone
“Yung pangalawa po si Alden, kasi ang cute ni Alden.
"Kasi napapanood ko na po siya talaga since ano pa lang, sa Eat Bulaga!, yung silang dalawa ni Maine, AlDub fan po,” pagtukoy naman ni Robb sa dating tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
